Connect with us

Viral

Literal na plastic balloon ang ginawa ng mga batang ito para kaarawan ng kanilang ama dahil sa wala silang pambili ng mga “party balloons”!

Published

on

Mahirap ang buhay at talagang mas pahirap pa ito ng pahirap. Ang mga pangunahing pangangailangan at mga pangunahing bilihin rin ay patuloy ang pagtaas.

Imahe: Melody Silang/Facebook

Samantalang ang ating mga sweldo ay hindi naman nadaragdagan. Palala ng palala ang korapsyon at kahirapan sa bansa kung kaya naman mas marami pa ang talagang nalulugmok sa hirap.

Nakakaawa ang mga kabataan at mga pamilyang nakakaranas nito. Ngunit sabi nga nila, gaano man kahirap ang ating nararanasan sa ngayon ay marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat.

Imahe: Melody Silang/Facebook

Nagsilbing inspirasyon sa publiko ang mga batang ito dahil sa pagnanais nilang mabigyan ng magandang sorpresa ang kanilang ama para sa kaarawan nito ay gumawa sila ng mga lobo mula sa plastic ng ulam. Isinabit din nila ang mga ito sa labas ng kanilang bahay sa mismong sampayan nila.

Imahe: Melody Silang/Facebook

Ayon sa netizen na nagbahagi ng kwentong ito online na si Melody Silang, gumawa rin ang mga bata ng “birthday cake” gamit ang mga itlog na kanilang niluto. Sinamantala nila ang pagkakataon na wala pa ang kanilang ama sa bahay at kasalukuyang nagtatrabaho.

Maraming mga netizens ang talagang naantig sa kwentong ito ng mga bata. Tunay nga na hindi natin kailangang maging mayaman sa materyal na bagay o sa mga salapi para lamang masabing masaya tayo sa ating buhay.

Sa mga simpleng bagay tulad nito ay talagang mararamdaman natin ang pagiging dalisay ng puso ng mga batang ito na walang ibang nais kundi mabigyan rin ng kasiyahan ang kanilang ama na nagsusumikap sa trabaho para sa kanila. Kung sana ay magiging kuntento tayo sa maraming biyaya at pagpapalang nararanasan natin sa bawat araw, magiging mas masaya tayo sa ating buhay.

Imahe: Melody Silang/Facebook

Tulad na lamang ng tunay na kaligayahan na nararamdaman ng mga batang ito. Tiyak na maging ang kanilang buong pamilya ay puno rin ng kaligayahan sa araw-araw kahit na salat sila sa materyal na bagay sa ngayon mabibigyan rin sila ng pagkakataon na guminhawa ang kanilang buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media