Connect with us

Viral

Vlogger na nag-live para sa kaniyang “octopus mukbang”, nagsisi matapos kainin ng pugita ang kaniyang mukha!

Avatar

Published

on

Talamak na ngayon ang napakaraming mga apps na maaari nating magamit lalo na kung tayo ay naiinip sa loob ng ating tahanan o kahit pa sa opisina at paaralan. Maliban sa mga mamahalin at updated na mga gadgets, malakas na “internet connection”, hindi rin naman papatalo ang napakaraming mga vloggers na nagpapalabas ng kanilang mga natatanging content online.

Marami ang sumisikat at marami din naman ang nagsisimula pa lamang sa pangarap nilang maging isang sikat na video creator. Iba’t-ibang mga pamamaraan at istratehiya ang ginagawa ng mga vloggers na ito upang mas marami ang mga taong manuod sa kanilang mga videos.

Marahil ay marami na rin ang mga nahihilig sa panunuod ng “mukbang”. “Eating broadcast” ito sa salitang Ingles kung saan makikita ng mga manunuod ang mga “mukbanger” na kumakain ng sari-saring mga pagkain. Una nang nakilala ang South Korea sa ganitong mga videos, umaabot pa nga ng $10,000 sa loob ng isang buwan ang sweldo ng mga professional mukbangers o halos nasa Php483,675.00!

Hindi na nakapagtatakang marami talaga ang susubok sa trabaho na ito. Tulad na lamang halimbawa ng Chinese vlogger na ito na nagtampok ng “Octopus Mukbang” sa isa sa kaniyang mga live videos.

Sa umpisa ng video ay talagang makikita na ang paglingkis sa kaniya ng naturang “octopus”. Talaga namang napakahigpit ng pagkakakapit nito sa kaniyang mukha, dahilan upang matakot, umiyak at magsisigaw siya.

Ilang minuto pa ang lumipas at natanggal na rin niya sa wakas ang “octopus” sa kaniyang mukha ngunit nagkaroon siya ng maliit na sugat sa kaniyang pisngi na ayaw mag-ampat ng dugo. Pinagsisihan ng husto ng vlogger na ito ang pagkain ng isang buhay na pugita sa kaniyang live video.

Sa halip na ma-enjoy ang kaniyang pagkain ay nagdulot pa ito ng takot para sa kaniya at pagkabahala sa mga taong makakapanuod ng kaniyang video.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media