Connect with us

Viral

Gulong ng isang kotse, bigla na lamang na-flat matapos makasagasa ng isang pustiso!

Avatar

Published

on

Isang magandang investment din sa maraming mga Pilipino ang pagkakaroon ng sariling sasakyan. Mas kombinyente at mas komportable kasi ang kotse kaysa sa magrenta pa ng sasakyan, mag-commute, o di kaya naman ay magbayad ng pamasahe sa araw-araw.

Maganda talaga itong investment ngunit medyo may kabigatan sa bulsa kung ikaw ay isang “minimum wage earner”. Ngunit sabi nga ng matatanda, kung gusto may paraan kung ayaw ay maraming dahilan.

Maraming mga may-ari ng kotse ang talagang nag-aalaga at nagme-maintenance ng kanilang mga sasakyan dahil nais nila itong magamit ng mas matagal na panahon. Kadalasan ay naglalaan din tayo ng pera para sa pagpapaayos ng ating mga sasakyan na madalas ay nasisiraan ng gulong dulot ng pako, screw, basag na salamin o kahit ano pang mga matutulis na bagay.

Ngunit kamakailan lamang, laking pagtataka ng Bayan Patroller na si Leo Padilla-Ricarte mula sa Barangay Sta. Elena, Iligan City, Lanao Del Norte dahil sa hindi matulis na bagay ang naging dahilan ng pagkaka-flat ng kaniyan gulong kundi isang pustiso! Umani ito ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko.

Ngunit marami talaga ang nagtataka kung bakit tila hindi man lang ito nasira at talagang buong-buo pa rin kahit pa ng nagulungan na ng isang malaki at mabigat na gulong. Biro naman ni Leo, kung sino man ang may-ari ng pustiso ay mangyari lamang na makipag-ugnayan sa kaniya upang maisauli na niya ang pustisong ito.

Nais niya ding masagot ang mga taong nagtatanong sa kaniya kung saan kaya pinagawa ito dahil talagang napakatibay nga kumpara sa ibang mga pustiso. Talaga namang nakakatuwang malaman na marami pa ring mga Pilipino ang nagagawang tumawa, magsaya at magdulot rin ng kasiyahan sa kanilang kapwa sa gitna ng mahirap na pagsubok na hinaharap nating lahat.

Sadyang ganito na nga yata ang mga Pilipino, nananatiling positibo at matatag kahit na maraming mga pagsubok at paghihirap.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media