Connect with us

Viral

Isang retiradong guro, gumawa ng isang DIY swimming pool, grotto at shower area para sa kaniyang mga apo sa gitna ng pandemya!

Avatar

Published

on

Sa Pilipinas, maliban sa mga nanay at tatay natin na ating kinalakihan ay marami ding kabataan ang palaki ng mga lolo at lola. Talaga nga namang napakasarap mag-alaga ng ating mga lolo at lola hindi ba?

Tiyak na napakarami nating mga magagandang karanasan kasama ang ating mga mahal na lolo at lola habang tayo ay lumalaki. Naging napakalaking biyaya ang naranasan nating magkaroon ng mga ganitong klase ng tao sa ating buhay.

Kamakailan lamang ay laking pasasalamat din ng netizen na si Jackie Mary Lynne Tenchavez dahil sa naging pagmamalasakit sa kanila ng kaniyang ama. Dahil sa mahal na mahala ng kaniyang ama na isang retiradong guro ang kaniyang mga anak at iba pang mga apo nito ay hindi na siya nagdalawang-isip pang gumawa ng isang “do-it-yourself” o DIY na swimming pool, grotto at “shower area”.

Sa gitna ng pandemya ay naisipan niyang gumawa ng mga ito upang hindi na lumabas pa ang kaniyang mga apo at mag-enjoy pa rin ang buong pamilya sa loob ng kanilang tahanan.


“Hindi ko inexpect na magkaka-swimming pool kami sa bahay namin. Thanks to my dad, ginawa niya ito para sa mga mahal niyang apo hehehe, para everyday bonding time, kahit hindi na lumabas. He also makes sure na may matatambayan kami sa labas ng bahay to have some fresh air,” Pahayag ni Jackie.

Ang mismong “retirement pay” ng kaniyang ama ang ginamit nito upang makapagpagawa ng isang malilit na swimming pool sa kanilanga bahay. Talaga namang napakaganda ng pagkakaplano at pagkakagawa nito.

Hindi maipagkakaila na isa ngang retiradong guro ang utak nito dahil sa kapansin-pansin na ang bawat detalye nito ay pinag-isipan ng husto at pinaglaanan ng panahon.

“He was a retired teacher, saktong-sakto na pandemic para sa safety niya (senior na kasi siya hindi lang halata) yung retirement fee niya ay inuunti-unti niyang binabawasan para sa pagpapaganda ng aming bahay. Nakakataba lang ng puso dahil imbes na gamitin niya ‘yun sa sarili niya or itabi niya ay mas masaya siyang makita kaming may komportableng bahay, nakaka-proud maging anak mo, Dad.” Dagdag pa ni Jackie.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media