Connect with us

Viral

Isang ginang nagkaroon ng pagkakataong kumita ng Php160,500 mula sa pagtitinda niya ng ice candy!

Avatar

Published

on

Aminin man natin o hindi, hindi natin maipagkakaila na marami na rin tayong natutunan dahil sa pandemyang kinakaharap ng buong mundo sa ngayon. Noon ay abala tayo sa maraming mga bagay tulad na lamang ng pag-aaral, trabaho at kung ano ano pang libangan na halos nakalimutan na nating maglaan ng oras sa ating mga pamilya.

Sa ngayon ay madalas na natin silang nakakasama at nakakasalo sa hapag-kainan. Bagamat marami ang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan ay hindi naman tayo kaagad na sumuko at naghanap pa tayo ng ibang mga bagay na maaari nating pagkakitaan.

Tulad na lamang ng isang netizen na ito na si Riz Red Moreno. Sinong mag-aakala na makakapag-ipon siya ng Php160,500.00 dahil lamang sa pagtitinda niya ng mga ice candy?

Sa araw-araw ay gumagawa siya ng dalawang kaserola ng ice candy na mayroong flavors na mangga at buko. Ang kaniyang kinikita mula rito ay Php800.00, ang Php500.00 rito ay inihuhulog niya palagi sa kaniyang alkansiya habang ang Php300.000 naman ay inilalaan niya para sa kanilang bayarin sa kuryente.

Sa loob ng isang buong taon ay binuksan na niya ang kaniyang alkansiya at nakaipon na nga siya ng malaking halaga ng salapi. Masayang masaya siya dahil sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga ay nagawa pa niyang makaipon sa gitna ng pandemya.

Ibinahagi niya ang kaniyang kwento sa social media dahil sa gusto rin niyang maging inspirasyon sa maraming mga katulad niya na wala namang ibang gusto kundi makapag-ipon hangga’t maaari. Sa panahon kasi natin ngayon, iba pa rin talaga ang mayroon kang sariling ipon lalo na at mula ito sa iyong pagsusumikap at pagtitiyaga sa araw-araw.

Nagpayo din siya na dapat ay maging madisiplina pa rin kung nais na makamit ang ano mang magiging plano ninyo sa buhay. Dahil kung hindi magkatambal ang pagsusumikap at pagiging disiplinado ay hindi rin magiging matagumpay ang lahat.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media