Connect with us

Viral

Anak ng isang kasambahay, hindi naramdaman na tinuring siyang iba ng amo ng kaniyang ina dahil sa itinuring siya ng mga ito na para bang tunay na anak!

Avatar

Published

on

Marami ang naantig sa kwentong ito ng isang babae na siyang itinuring na tunay na anak ng mga amo ng kaniyang ina. Ang kaniyang mga magulang ay “refugees” mula sa Vietnam noon at ilang buwan mula nang isilang siya ng kaniyang ina ay namasukan na ito bilang isang kasambahay sa mag-asawang Charles at Kathleen Timblin.

Tatlong araw lamang ang lumipas nang napagdesisyunan ng kaniyang ina na huwag nang mamasukan pa sa mag-asawa dahil sa ayaw nitong ibang tao ang mag-alaga sa kaniya. Agad namang nagsabi ang mag-asawa na maaari siyang dalhin ng kaniyang ina sa kaniyang trabaho upang hindi na rin siya magbitiw pa bilang kanilang kasambahay.

Mula noon ay naging malapit na siya sa matandang mag-asawa. Wala kasi silang anak at solong anak din siya ng kaniyang mga magulang.

Mga kalaro kung ituring niya ang mag-asawang ito na bagamat hindi niya nakakasama sa habulan at iba pang pisikal na laro ngunit talagang kinagiliwan nila ang pag-awit at pagsayaw niya noon sa kanilang harapan sa gawa gawa niyang entablado. Naging sobrang saya niya dahil sa mas nakilala at napalapit siya sa mag-asawa.

Kahit anak siya ng kanilang kasambahay ay maaari niyang laruin ang kahit anong bagay sa loob ng bahay. Kailan man ay hindi rin siya sinigawan ng mga ito at hindi rin niya naramdaman na siya ay ibang tao.

Makalipas ang pitong taon ay nakaipon na ang kaniyang ina ng sapat na pera na ginamit niya upang magtayo ng sarili niyang negosyo kung kaya naman kinailangan na nilang magpaalam sa mag-asawang Timblin. Nalungkot sila ngunit palagi pa rin naman silang nagkikita noon, tuwing kaarawan ng mag-asawa bawat taon at tuwing araw ng kaniyang kaarawan.

Hindi rin niya makakalimutan ang ginawa ng mag-asawa ng kaniyang “graduation”, nagbigay kasi sila ng tseke sa kaniya bilang regalo na nais nilang gamitin niya para sa kaniyang pagkokolehiyo. Binulong din sa kaniya ni Charles na nais nitong maisayaw siya sa araw ng kaniyang kasal.

Hindi man ito nangyari ay nananatili pa ring mahalaga sa kaniya ang mag-asawang Timblin kahit pa ilang taon at dekada na rin ang nakalilipas mula nang sila ay tuluyan nang lumisan.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media