Connect with us

Viral

“Haunted house” na ibinebenta sa murang halaga, pangangahasan mo bang bilhin?

Published

on

Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang mga misteryo at kababalaghan. Sa katunayan ay bawat probinsiya nga sa atin ay mayroong kaniya-kaniyang kwento tungkol rito.

Maaaring kwento ng mga multo o iba pang mga element na naninirahan sa isang lugar kasama nating mga tao. Kamakailan lamang ay pinagkaguluhan ng maraming mga netizens ang larawan ng isang “haunted house na ito” na ayon sa caption ay ibinebenta raw sa murang halaga.

Ayon sa viral post na ibinahagi ng netizen na si Leon San Diego sa Facebook page na “Only in the Philippines, “For Sale” na ang isang malaki ngunit abandonadong bahay. Nagbiro din siya at sinabing mura na lamang ito at mayroon pang mga “kakaibang features”.

Maliban sa pagiging maganda ng lugar, tahimik at malapit sa sementeryo ay mayroon daw itong “automatic front door” na kusang bumubukas tuwing gabi. Pwedeng pwede rin daw ito sa mga single dahil kailanman ay hindi ka na mag-iisa kapag tumira ka dito dahil palagi mong mararamdaman na mayroon kang kasama.

Ang tanging “issue” lamang na kaniyang nabanggit ay mayroong madalas na umiiyak dito pagsapit ng dilim. Talaga namang nakakapangilabot ang mga “features” na ito.

Ngunit talagang marami ang nagpahayag ng kanilang mga komento at reaksyon patungkol dito. Ayon sa isang netizen, maaari daw niyang ipagiba at ipaayos ang lugar upang taniman ng mga halaman.

Natitiyak daw niyang hindi takot sa multo ang mga halaman. Mayroon din namang nagkomento na bibilhin na raw niya ang napakamurang bahay at lupa na ito at siya na mismo ang magpapaalis sa mga multo na naninirahan sa lugar.

Tunay nga na napakarami sa ating mga Pilipino ang nananatiling positibo sa kabila ng mga nararanasan nating pagsubok sa ngayon. Kung kaya naman kahit pa parang napakahirap ng maraming bagay sa ngayon, tiyak na malalampasan din natin ito sa tulong ng bawat isa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media