Connect with us

Viral

Doc Liza Ong, hands-on pa rin sa mga gawaing-bahay kahit sikat na! mayroon ding payo sa mga kabataang Pilipino ngayon!

Avatar

Published

on

Ang mag-asawang doktor na sina Doc Willie Ong at Doktora Liza Ong ang isa sa pinakakilalang doktor ngayon sa social media. Marami ang humahanga sa kanila dahil sa pagnanais nilang makatulong sa maraming mga mahihirap na Pilipino.

Sa ngayon nga ay makikita sa kanilang Facebook page ang dami ng kanilang mga natulungang Pilipino. Mayroon na silang nabigyan ng motorsiklo, cellphone, mga laruan, pangkabuhayan at pang-puhunan sa isang munting negosyo.

Ngunit kahit pala gaano pa kaabala sina Doc Willie at Doc Liza sa dami ng kanilang mga ginagawa ay hindi pa rin nila nakakalimutang gawin ang mga bagay na normal na ginagawa ng mga mag-asawa. Halimbawa na lamang si Doc Liza Ong na kahit pa abala sa maraming mga bagay ay nananatili pa ring hands-on sa kanilang tahanan.

Hindi nga maipagkakaila na isa sila sa pinakasikat na personalidad ngayon sa bansa. Ngunit kamakailan lamang ay mas lalo pang hinangaan at kinabiliban ang mag-asawa lalo na si Doc Liza dahil sa mga gawaing-bahay na ginagawa nito.

Tulad na lamang halimbawa ng pagluluto, paghahanda ng pagkain sa hapag-kainan, paglalaba at pagsasampay. Ilan lamang ito sa mga gawaing-bahay na ginagawa ni Doc Liza. Ibinahagi din ang ilang mga larawan nito sa kanilang Facebook page.

Umani ng maraming mga positibong komento at reaksyon mula sa publiko ang mga viral photos na ito. Mayroon na ito ngayong 376,000 reactions, 15,000 comments, at 4,400 shares.

Ayon naman kay Doc Liza madalas na puro cellphone o gadget na lamang ang inaatupag ng mga kabataan sa ngayon.

“Laba-laba pag may sikat ng araw. Turuan ang bata na maging maalam sa bahay. Bigyan ng gawain ang bata upang hindi mainip sa pandemya,” payo ni Doc. Liza sa mga magulang at mga kabataan.

Mas mainam daw na turuan sila sa mga gawaing-bahay upang sa kanilang pagtanda o kapag nagkaroon na sila ng sarili nilang mga pamilya ay hindi na sila mahihirapan pa, pahayag naman ng isang netizen.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media