Connect with us

Viral

Isang tricycle driver ang hindi nagdalawang-isip na nagbalik ng halagang Php20 milyong tseke at cash sa Tagum City!

Avatar

Published

on

Isang nakakamangha at nakakabilib na pedicab driver ngayon sa Tagum City ang pinupuri at hinahangaan ng publiko matapos niyang magbalik ng tseke at cash na nagkakahalaga lamang ng Php20 milyong piso. Siya ay walang iba kundi si Sofio Alo Jr.

Image by Geraldine Canlas via Facebook

Kahit pa nga marami ang nakakaranas ng hirap sa ngayon dahil na rin sa pandemya, hindi sumagi sa kaniyang isipan na angkinin ang malaking halaga ng salaping natagpuan niya sa bandang likuran ng minamaneho niyang tricycle. Ayon sa kaniyang kwento ay nagkakarga na siya ng ilang mga sementong bitbit ng kaniyang bagong pasahero nang bigla na lamang niyang napansin ang isang “pouch” na batid niyang naiwanan ng nauna niyang pasahero.

Nang silipin niya ang laman ng “pouch” ay labis siyang nabigla nang makita ang cash at ilang tseke na nagkakahalaga ng Php20 milyong piso! Ang halaga ng cash ay Php1,070.

Nang umuwi siya sa kanilang bahay ay agad siyang humingi ng tulong sa nakatatandang kapatid ng kaniyang misis na mayroong kakilala na isang lokal na opisyal. Agad naman silang inabisuhan ng kanilang kausap na dalhin sa kanilang lokal na munisipyo ang kanilang natagpuang “pouch”.

Ibinahagi ni Sofio na nais niyang maging isang magandang ehemplo sa kaniyang mga anak na bigyang pagpapahalaga ang katapatan at integridad. Maaaring salat sila sa materyal na bagay ngunit hindi dapat mawala sa kanila ang mga kaugaliang ito.

Image by Geraldine Canlas via Facebook

“I make it a point to teach it to my kids because it would be difficult for them not to have the same values,” pagbabahagi ni Sofio sa salitang Bisaya sa naging pahayag niya sa Manila Bulletin.

Dahil sa napakagandang halimbawa na ito, ginawaran siya ng pagkilala ng “Apokon Elementary School’s Project WATCH (We Advocate Time Consciousness and Honesty)”. Nakatanggap din siya ng “groceries” dahil sa kaniyang ginawang kabutihan. Tunay nga na mayroon pa ring mga mabubuti at matatapat na tao hanggang sa ngayon.

Source: ManilaBulletin


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media