Connect with us

Viral

Raffy Tulfo tinulungan ang pamilyang naiwan nina Nanay Sonia at Frank Gregorio upang matapos ang kanilang bahay!

Avatar

Published

on

Halos tatlong buwan na rin ang nakararaan buhat nang kumalat sa social media ang hindi makatarungang sinapit ng isang ina at ng kaniyang anak dahil lamang sa hindi napigilang galit ng kanilang kapitbahay na pulis. Hindi naman nag-atubili ang batikang host at mamamahayag na si Raffy Tulfo upang tulungan ang pamilya sa paghahanap ng magaling na abogado upang matulungan silang maipanalo ang kanilang kaso laban sa pulis.

Photo credit: Gregorio Family

Malaking tulong na ito sa pamilya ng mag-inang Sonia at Frank Gregorio ngunit hindi dito natapos ang pagtulong ni Raffy. Maliban kasi sa pinansyal na tulong ay nagbigay rin siya ng pangkabuhayan ng pamilya upang matulungan ng husto ang mga naulila ng mag-ina sa insidenteng ito.

Bago pa man masawi ang mag-ina ay nasimulan na ang pagpapagawa ng kanilang bahay, kung kaya naman tumulong rin si Raffy na matapos ang bahay nilang ito. Ayon sa mister ni Nanay Sonia na si Tatay Florentino Gregorio, ang bahay nila na ito ay ang kanilang “dream house”.

Photo credit: Raffy Tulfo in Action

Mayroon itong apat na kwarto para sa kanila at sa kanilang mga anak. Minsan na ring ipinasyal ni Tatay Florentino ang Raffy Tulfo in Action (RTIA) team sa kanilang tahanan.
Marami pang dapat tapusin sa bahay nilang ito ngunit nangako si Raffy na siya ang magbabayad ng lahat ng kakailanganin upang matapos na ng buo ang kanilang tahanan. Ilang linggo pa ang nakalipas at natapos na nga ang pagpapagawa ng kanilang tahanan.

Hindi na mababanaag dito ang lugar kung saan nangyari ang karumal-dumal na krimen sa kanilang mga mahal sa buhay. Marahil, nawala man ng maaga sa kanilang piling ang kanilang Nanay Sonia at kapamilyang si Frank, kahit papaano ay matatahimik na ang kanilang kaluluwa dahil sa ang kanilang mag-anak ay nasa mabuti na ring kalagayan.

Nakakalungkot man ang katotohanang wala na sila, mananatili pa rin ang masasayang alaala at mga aral na madalas nilang ibahagi sa kanilang pamilya noong sila ay nabubuhay pa.

Source: Youtube


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media