Connect with us

Viral

Manikurista ang kaniyang trabaho noon sa probinsiya, ngayon ay isa na siyang ganap na milyonaryo at marami na rin siyang mga ari-arian!

Published

on

Hindi madali ang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa. Marami sa ating mga Pilipino ang nangingibang-bansa na lamang upang kumita ng mas malaki para sa pagsuporta nila sa kanilang mga pamilya.

Marami tayong mga kababayan na ngayon ay Overseas Filipino Worker (OFW) na. Sa kabila ng hirap ng buhay ay pinupursige pa rin nilang magtrabaho malayo sa kanilang mga pamilya.

Talagang masipag at puno sila ng dedikasyon tulad ni Malou Arellano. Naitampok ang kaniyang kwento sa “Rated Korina” at talaga namang kumalat ito online.

Marami ang bumilib sa kaniya dahil kung noon ay isa siyang manikurista sa kanilang probinsiya, sa ngayon ay nakamit na niya ang isa sa pinapangarap ng maraming mga Pilipino – ang yumaman. Si Malou ay mila pa sa Northern Samar, lumaki siya sa isang mahirap na pamilya.

Maaga rin niyang natutunan ang pagbabanat ng buto dahil sa kahirapan na nararanasan nila noon. Sa kaniyang murang isipan ay tumatak sa kaniya na talagang magsusumikap siya sa buhay upang umasenso at tuluyan nang maiahon ang kaniyang pamilya sa kahirapan.

Nagtungo sila ng Maynila noon at doon na nga siya nag-aral. Sa murang edad ay talagang maparaan na siya, madiskarte.
Nasa ika-limang baitang lamang daw siya noon nang makaisip siya ng ilang mga pagkakakitaan. Sinikap niya ring makapag-ipon mula sa kaniyang mga kinikita noon.

Isa mga mga pinagkakakitaan niya noon ay ang pagbebenta ng buto ng langka, natutunan din niyang mag-service ng manicure noon at magtinda ng mga ready-to-wear na damit upang mayroon siyang pandagdag pambaon sa eskwela. Noong una ay talagang naranasan din niyang sumuko na sa buhay.

Ngunit nang malapit na siyang sumuko ay mas nagkaroon siya ng lakas ng loob na lumaban muli. Natutunan niya ang “networking” at dito na nagsimulang magbago ang kaniyang buhay.

Dahil sa kaniyang kasipagan at pagiging determinado sa buhay ay unti-unti na niyang naiahon sa hirap ang kaniyang pamilya at nakabili na rin siya ang ilang mga ari-arian.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media