Connect with us

Viral

Vlogger at dog trainer na si Tristan Huertas ng “Milo & Friends” ibinahagi ang matinding pagsubok na kaniyang pinagdaanan dahil sa pagiging “workaholic” at pagpapabaya sa sarili!

Avatar

Published

on

Si Tristan Huertas ng “Milo & Friends” ay minsan nang nagpabilib sa maraming mga netizens nang maging viral ang kaniyang video noong 2018 kasama ang kaniyang asong si Milo. Si Milo ang bibong aso na napanuod natin noon sa pelikula ni Sarah Geronimo na “Unforgettable”.

Bilang isang dog trainer naman ay kliyente niya sina Ryza Cenon at Susan Enriquez. Marso 2021 ay kinailangan niyang sumailalim sa isang “heart bypass operation”.

Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook page na “Milo & Friends” ang kaniyang pinagdaanan. Nais niya rin kasing magbigay paalaala at babala sa mga taong nakakalimot na pahalagahan ang kanilang katawan at kalusugan.

Ayon kay Tristan, taong 2007 ay mayroon na talaga siyang sakit na “insomnia”, naninigarilyo rin siya ng halos isang dekada na at natigil lamang nang magsimula siyang mag-Vape. Ang hilig niyang mga pagkain ay matataba at mga instant noodles.


Nasanay siyang kumain ng gabing-gabi na at saka siya matutulog ng busog na busog. Hindi raw siya umiinom ng alak. Talagang napakasipag lang niya talagang magtrabaho at magnegosyo.

Ayaw niyang mamahinga dahil sa gusto niyang kumita ng malaking pera at matupad lahat ng kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya lalo na para sa kaniyang anak. Taong 2010 ay talagang nag-eehersisyo na raw siya at naggi-Gym ngunit nahinto rin ito dahil sa nag-aaral at nagtatrabaho siya ng mga panahong iyon.

Pebrero ngayong taon ay nagsimula na siya ng kaniyang “work out routine”, nasa 180 pounds na nga raw ang kaya niyang buhatin makalipas ang 10 araw lamang! Malakas ang kaniyang pangangatawan at talagang lumalaki na ang kaniyang katawan ng mga panahong iyon.

Ngunit ika-27 ng Pebrero, nang buwan ring iyon ay inatake siya sa puso. Kinailangan siyang operahan na naging matagumpay naman kalaunan. Sinong mag-aakala na aabot pala ng 2.3 milyong piso ang kanilang gastos at sa edad na 31 taong gulang ay mararanasan niyang maoperahan at buksan ang kaniyang katawan.

Marso 12 nang ibahagi niya ang karanasan niyang ito online at maraming mga tao ang nagdarasal ng agaran niyang paggaling. Marami pa rin daw siyang pangarap sa buhay, marami pa raw siyang nais matulungan at nais pa rin niyang mabuhay ng matagal para sa kaniyang anak.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media