Connect with us

Viral

Pusang nuknukan ng dumi, inakalang wala nang buhay, pagod na pagod lang pala dahil sa pagtulong sa kaniyang amo sa kanilang ulingan!

Published

on

Sa dinami-rami ng mga problema at dalahin natin sa buhya, dagdagan pa ng pandemya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa bansa, talaga namang manghihina at malulungkot ka na lang. Buti na lang talaga ay mayroon pa ring mga bagay, mga tao at mga aktibidad tayong ginagawa upang manatili tayong positibo sa buhay.

Photo credit: Za Iz Facebook

Isa na marahil sa mga bagay na makapaglalagay ng ngiti sa ating mga labi ay ang ating mga alagang hayop. Base sa ilang mga pag-aaral ay talagang nakakatanggal ng stress at nakakatulong sa ating kalusugan ang pag-aalaga ng mga hayop.

Photo credit: Za Iz Facebook

Kung kaya naman talagang doble pa ang lungkot kung sakaling maaga silang mawawala sa atin na tila ba nawalan ka ng minamahal o di kaya naman ay tunay na pamilya. Kamakailan lamang ay talagang pinag-usapan ng mga netizens ang kaawa-awang kalagayan ng maliit na pusang ito.

Photo credit: Za Iz Facebook

Ayon kasi sa Facebook post ng netizen na si Za Iz, talagang masasabi na niya ang mga katagang “RIP” at “Run Free” dahil sa pag-aakalang binawian na ng buhay ang maliit na pusang ito sa ibabaw ng sako. Lingid sa kaniyang kaalaman ay natutulog lamang pala ito dahil sa sobrang pagod sa pagtulong sa kaniyang amo na nag-aayos ng kanilang panindang uling.

Mayroon kasing ulingan ang kaniyang amo kung kaya naman talagang gulong ng gulong ang pusang ito. Paglilinaw din naman ni Za sa kaniyang post, hindi raw pinapabayaan ang munting pusa na ito dahil sa talagang pinaliliguan at pinapakain daw ito ng kaniyang mga amo.

Photo credit: Za Iz Facebook

Yun nga lamang ay talagang gustong gusto nitong magdumi sa ulingan. Pagbabahagi naman ng ilang mga netizens, talagang nagulat sila nang makita ang larawan ng pusa at inakala din nilang wala na itong buhay.

Ngunit natawa na lamang sila nang malamang pagod lamang pala ito kakalaro kung kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang hitsura habang natutulog.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media