Connect with us

Viral

Litratong may mensahe sa likod, kilalang remembrance noon para sa maraming mga Pinoy!

Published

on

Napakarami nang nagbago sa ngayon kumpara noon. Kung dati ay wala pa tayong Wi-Fi, internet, computer, cellphones, ngayon ay napakarami nang pagpipilian.

Hindi na nga natin maitatanggi na malaki na talaga ang naging pagbabago noon at ngayon. Ngunit sa kabila nito ay tiyak na maraming mga Pilipino pa rin ang nakakaalala pa sa mga litrato na mayroong mensahe sa bandang likurang bahagi ng mga ito.

Maliban kasi sa paglalagay ng mga petsa rito ay madalas din tayong naglalagaya ng mensahe para sa taong pagbibigyan natin ng mga litratong ito. “Remembrance”, “souvenir”, “memorabilia”, iyan lamang ang ilan sa mga nakasanayan nating itawag sa mga ito.

Marahil bago kayo maghiwalay-hiwalay ng iyong mga kaklase sa elementarya at maging sa hayskul ay nag-abutan din kayo ng mga ganitong larawan. Madalas nga ay dito pa nakasalalay ang mga pagkakaibigan dahil sa oras na mawala mo ito ay talagang pagsisimulan na ito ng pagkakagalit o tampuhan.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng Facebook Page na “Batang Pinoy – Ngayon at Noon” ang isang larawan na mayroong mensahe sa likod. Ang petsa nito ay Enero 17, 2001. Ayon sa naturang post, nagpapaalala si Joyce na ibinigay niya ang larawan na iyon kay Marcus bilang isang simpleng alaala lamang ngunit sa oras na mawala daw nito ang kaniyang larawan ay isipin na rin niyang nawala na rin siya sa kaniya.

Maaaring “corny” o “cheesy” ang mga katagang ito sa ngayon, ngunit ito ang talagang isa sa pinakapopular at pinakasimpleng paraan upang maipakita mo sa iyong kaibigan o minamahal na talagang mahal mo sila at hindi mo sila makakalimutan. Hindi naman napigilan ng maraming mga netizens na mag-komento rin at magbigay ng kanilang mga reaksyon patungkol dito.

Marahil ay marami na tayong mga bago at modernong pamamaraan upang patuloy pa rin tayong maalala ng ating mga minamahal, sadyang napakasarap pa rin talagang balikan ng ganitong mga simpleng bahagi ng ating nakaraan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media