Connect with us

Viral

Isang 19 na taong gulang na artist sa Camarines Sur, nakagawa ng isang kamangha-manghang “hyper-realistic painting” na talagang hinangaan ng maraming mga netizens!

Avatar

Published

on

Proud Pinoy ang 19 na taong gulang na young artist na ito mula sa Brgy. Labawon, Buhi, Camarines Sur, siya ay walang iba kundi si John Jeff S. Camasis. Ibinahagi niya ang kaniyang likhang-sining sa Facebook Page na “GUHIT Pinas”.

Photo credit: John Jeff S. Camasis Facebook

Pinamagatan niya rin itong “Leaves 1”. Mayroon itong sukat na 33 x 24 inches. Sa pamamagatin ng acrylic paint ay natapos niya rin ito ng ilang buwan.

Hindi akalain ng maraming mga netizens na nakakita ang art work niyang ito na hindi pala ito tunay na halaman. Sa unang tingin kasi ay aakalain mong totoo talaga ang painting.

Maging ang tila pagpatak ng tubig mula sa dahon ay kasalukuyang nangyayari. Nalaman ng “Center for Rinconada Culture and The Arts” ng Camarines Sur Polytechnic Colleges ang nakakamanghang likha na ito ni Camasis kung kaya naman humingi sila ng permiso sa talentadong pintor kung maaari nila itong isama sa blessing at inauguration ng Museo Rinconada na isang lokal na museo sa kanilang lugar.

Photo credit: John Jeff S. Camasis Facebook

“The artist of the painting entitled ‘Leaves 1″ (33 x 24 inches, acrylic on canvas), Mr. John Jeff S. Camasis, of Buhi, Camarines Sur, has granted the CSPC-CRCA an exclusive permission to exhibit his masterpiece for the upcoming blessing and inauguration of the Museo Rinconada, a local museum established by the Camarines Sur Polytechnic Colleges,” Pahayag ng Camarines Sur Polytechnic Colleges sa kanilang Facebook Page.

Photo credit: John Jeff S. Camasis Facebook

“This artwork has recently become a social media sensation, because of its exquisite craftsmanship and hyper-realistic visual output. And it will be displayed at the Museo Rinconada (for a specific time only), together with the other artistic and cultural treasures of Rinconada area, on February 22, 2021.” Dagdag pa nila.

Tunay nga na pambihira ang talento ng binatang ito kung kaya naman panawagan ng maraming mga na netizens na mabigyan sana ang pagkakataon ng kinauukulan na mas malinang pa at maibahagi sa maraming mga Pilipino ang kaniyang natatanging talento.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media