Connect with us

Viral

Jinkee Pacquiao, nagbahagi ng ilang mga larawan noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang at sumasali sa mga beauty pageant!

Avatar

Published

on

Maraming mga kababaihan ang nangangarap na makasali at manalo sa ilang mga beauty pageant. Tila ba naging basehan na rin ito ng iilan upang malaman kung talagang maganda at seksi nga ba sila.

Hindi man ito ang tamang basehan para sa karamihan sa atin, maraming mga kababaihan ang naniniwalang may kaniya-kaniya tayong angking kagandahan at kaseksihan. Malaking puntos din kung ikaw ay matalino at may disiplina sa buhay.

Isa na marahil sa pinakasikat na personalidad ngayon sa bansa si Jinkee Pacquiao. Sa edad na 42 taong gulang ay talaga namanag batang-bata pa rin siyang tingnan.

Marahil ay marami na rin ang nakakaalam na mahilig siyang sumali sa mga beauty pageant noong kaniyang kabataan. Sa katunayan nga ay nagbahagi pa siya ng isang larawan noong taong 1995.
Siya ay kolehiyala pa lamang noong sumali siya sa Ms. AMA Computer College. Maraming pa ring mga netizens ang nagulat dahil sa noon pa man ay may angkin nang kagandahan at kaseksihan ang misis ng pambansang kamao.

Maaalalang noong taong 2018 ay kumalat din ang kaniyang larawan nang siya ay sumali sa Binibining Heneral Santos (Ms. Gensan). Taong 1996 naman nang mapabilang siya sa naggagandahang mga dilag sa naturang patimpalak.

Maliban sa pagsali sa mga patimpalak na ito ay hilig din talaga niya ang pag-aayos at pagpapaganda. Hindi na nakapagtataka na nakapagtayo siya ng sarili niyang make-up line na noon ay pinapangarap lamang niya.

Dagdag pa niya ay batid niyang kakailanganin niya ng “courage” at “passion” upang mapagtagumpayan ang bagong business venture niyang ito. Handa rin siyang ibuhos ang kaniyang puso at kaluluwa rito.

Tunay nga na hindi lamang siya isang matagumpay na negosyante, isa rin siyang butihing ina at asawa sa kaniyang pamilya at isang mabuting kaibigan para sa mga nakakakilala sa kaniya. Tiyak na mas marami pang mga kababaihan ang magtitiyaga at magsusumikap sa buhay tulad ni Jinkee.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media