Connect with us

Viral

Mister ni Ai-Ai delas Alas, sinorpresa siya ng isang napakagandang “Hello Kitty decoration” sa buong bahay nila!

Avatar

Published

on

Si Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan o mas nakilala natin bilang si Ai-Ai delas Alas ay 56 taong gulang na aktres at komedyante. Siya ay binansagang “Queen of Comedy” ng maraming mga Pilipino dahil sa pambihirang husay niya sa pagpapatawa at pagganap sa kaniyang mga karakter sa harap ng kamera.

Isa sa pinakakilalang proyekto niya na nakatanggap rin ng maraming mga karangalan ay ang “Ang Tanging Ina”. Sa ngayon ay gumagawa pa rin siya ng ilang mga proyekto at madalas pa rin siyang makita sa telebisyon at sinehan.

Ngunit sa kabila ng pagiging abala niya ay hindi pa rin niya hinahayaang mawalan siya ng oras sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang asawa. Taong 2017 nang ikasal sila ng kaniyang mister na si Gerald Sibayan at ngayong taon ay ipinagdiriwang nila ang ika-9 na taon ng kanilang relasyon.

Labis na nasopresa ang komedyante nang umuwi siya sa kanilang tahanan pagkatapos ng dalawang linggong lock-in taping para sa ginagawa niya ngayong proyekto sa Bocaue, Bulacan na mayroong pamagat na “Owe My Love”. Nagbago na kasi nang tuluyan ang kanilang tahanan at aakalain mong naging “Hello Kitty haven” na ito.

Noon pa man ay Hello Kitty fan na si Ai-Ai kung kaya naman alam na alam din ng kaniyang asawa ang pagkahumaling niya sa Japanese cartoon character na ito. Magmula sa kanilang ilaw, sofa, salamin, throw pillow, kusina at kanilang kwarto ay talagang pinuno ni Gerald ng mga Hello Kitty na gamit.

Kumuha pa mismo ng interior decorator ang kaniyang mister upang masigurong magiging matagumpay ang anniversary gift niyang ito. Hindi napigilan ng komedyanteng ibahagi ito sa kaniyang social media account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Marami namang mga netizens ang bumilib at namangha sa sorpresang ito ni Gerald para sa kaniyang kabiyak. Ayon pa kay Ai-Ai, ang ginamit niyang pera para dito ay ang kaniyang kinita mula sa kanilang negosyo.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media