Connect with us

Viral

Guro sa Cebu, may nakakamanghang talento sa pagpipinta na mayroong “bubble wrap effect”

Avatar

Published

on

Maraming mga Pilipino ang hinahangaan ng marami dahil sa kanilang pambihirang talento. Sa iba’t-ibang larangan ay talagang hindi magpapahuli ang mga Pilipino.

Photo credit: Beth Dacuma Facebook

Kamakailan lamang, isang Pinay na guro sa Cebu ang hinangaan ng publiko dahil sa pambihirang talento niya sa pagpipinta. Hindi lamang kasi ito tipikal na pagpipinta, mapapansin din ang “bubble wrap effect” sa kaniyang mga likha.

Madalas tayong makatanggap at makakita ng mga “bubble wrap” lalo na sa mga produktong nabibili natin online. Inilalagay kasi ito sa mga bagay na maaaring masira o mabasag upang mas masigurong ligtas na makararating ang mga produktong ito sa kanilang patutunguhan.

Photo credit: Beth Dacuma Facebook

Mayroon din namang iilan na nahihilig sa pagpapaputok ng mga “bubble wrap” na ito, ayon sa ilang mga ulat ay nababawasan ang “stress” ng mga taong ito sa tuwing magpapaputok o maglalaro sila ng mga ito. Ngunit para naman sa public school teacher na si Beth Dacuma, espesyal ang mga ito dahil sa gamit niya rin ito upang mapaganda pang lalo ang kaniyang mga “obra maestro”.

Si Teacher Beth ay grade 1 teacher sa Toledo City, Cebu. “Acrylic paint” ang una niyang ginagamit sa pagpipinta at saka niya ile-layer ang mga ito sa “bubble wrap” sa pamamagitan ng “stenciling” ay magagawa na niya ang “bubble wrap effect”. Ibinahagi din niyang hindi talaga siya basta basta gumuguhit noon.

Photo credit: Beth Dacuma Facebook

Naaksidente siya sa motor kung kaya naman naisipan niyang magpinta upang kahit papaano ay makatulong ito sa kaniyang pagpapagaling. Maliban sa pagbuti ng kaniyang sitwasyon noon ay nagamit niya rin ang talento niyang ito upang kumita ng pera na inilaan niya rin sa kaniyang pagpapagaling.

Photo credit: Beth Dacuma Facebook

Halos nasa 4 hanggang 5 oras lang ang nailalaan niyang oras sa pagpipinta niyang ito kung kaya naman inaabot rin ng tatlong araw bago niya matapos ang isa sa kaniyang mga obra. Ibinebenta pa rin niya ang kaniyang mga likha at tumatanggap rin siya ng mga nagpapagawa ng “commissioned artworks”.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media