Connect with us

Viral

Engaged na ang PBA player na si Aljon Mariano at ang kaniyang beauty queen girlfriend na si Kayesha Chua!

Published

on

Maraming nagsasabi na isang napakalaking desisyon raw ang pagpapakasal. “Life changing” daw talaga ito at siyempre bilang mga Pilipino, madalas na nating marinig ang mga paalala na hindi ito isang kutsara ng mainit na kanin na kapag ikaw ay napaso ay agad agad mong mailuluwa.

Sa kabila ng posibleng hirap o sakripisyo nang pag-aasawa ay marami pa rin ang naniniwalang “worth it” ang mga pagdaraanan na ito kung makakasama mo naman ang pinakamamahal mong tao sa araw-araw. Magsisimula kayong bumuo ng sarili ninyong pamilya ata mas magiging matatag pa ang inyong pagsasama hindi lamang bilang magkasintahan kundi bilang isang mag-asawa at kalaunan ay bilang mga magulang sa inyong mga magiging anak.

Nito lamang ika-27 araw ng Pebrero ay binati ng maraming mga basketball fans ang PBA player na si Aljon Mariano at ang kaniyang beauty queen girlfriend na si Kayesha Chua. Si Aljon ay mula sa koponan ng Barangay Ginebra San Miguel habang si Kayesha naman ay sumali na noon sa “Binibining Pilipinas” taong 2018 at “Miss World Philippines” noong 2019.

Sa wakas ay “engaged” na ang dalawa. Ibinahagi nila ito sa kanilang Instagram account na umani naman ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko.
“With you, I’ve always known exactly where we were going :slight_smile: it was just a matter of time, God’s perfect timing. And it absolutely was,” Ito ang naging caption ni Kayesha sa kaniyang post kalakip ang ilan sa kanilang mga sweet na larawan sa isang beach.

“I asked the love of my life to marry me and be my forever! #SheSaidYes #022721 @kayeshachua,” Pahayag naman ni Aljon sa kaniyang social media account na mayroon ding ilang mga larawan ng kaniyang paghahanda at ng mismong proposal niya sa kaniyang nobya.

Tunay nga na sa kabila ng maraming mga hindi magagandang pangyayari sa ating paligid ngayon ay hindi pa rin tayo dapat mawalan ng pag-asa sa araw-araw. Lalo na kung kasama natin an gating mga mahal sa buhay.

Source: GMANetwork


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media