Connect with us

Viral

Mister binuking ang kaniyang asawa sa mismong baby shower nila dahil sa nabuntis pala ito ng kaniyang kaibigan!

Avatar

Published

on

Ikinagalit ng maraming mga netizens ang viral video na ito mula sa Bolivia. Ibinulgar kasi ng mister ang itinatagong lihim ng kaniyang asawa.

Ang inakala niyang anak niya ay anak pala ng kaniyang misis sa kaibigan niya mismo! Sa kanilang ginawang baby shower ay kasama pa ng mister ang kaniyang abogado na siya mismong nagpakita ng mga dokumento at ebidensiyang magpapatunay na may relasyon nga ang kaniyang kaibigan at ang kaniyang misis.

Maliban sa video na mayroong ginagawa ang kaniyang kaibigan at ang kaniyang misis habang natapis lamang ng mga twalya sa kanilang katawan ay mayroon din siyang hawak na pregnancy test na nagpapatunay na hindi siya apat na buwang buntis kundi anim na buwan na! Talaga namang nakakabigla ang pangyayaring ito.


Napakasakit para sa asawang lalaki ang makita ang video ng asawa niyang nagtataksil sa kaniya at ang matindi pa rito ay ipinaako sa kaniya ang batang bunga ng pagtataksil ng kaniyang asawa at kaibigan. Matapos nang naging pagbubunyag na ito ay agad nang umalis ang mister, iniwanan ang kaniyang asawang nagmamakaawa sa kaniya.

Habang ang kaniyang kaibigan ay nakatikim ng tadyak, sapak, at hinagisan rin ng pagkain sa mukha dahil sa napakasamang nagawa nito sa kaniyang kaibigan at sa pagsira niya sa kanilang pamilya. Tunay ngang hindi biro ang ganitong klase ng problema sa isang mag-asawa.

Kahit anong pag-uusap pa ang kanilang gawin ay hinding-hindi na nito mababago ang katotohanan na nagtaksil ang isa sa kanila at hindi man lamang pinanghinayangan ang maaaring mawala sa kaniyang buhay dahil sa ginawa niyang ito. Maituturing ito na matinding pagkakamali para sa babae ngunit hindi rin naman ito talaga mangyayari kung hindi siya pumayag.

Mas mabuti na ngang nalaman kaagad ng mister ang lahat bago pa man isilang ang sanggol. Hindi lamang niya mapoprotektahan ang kaniyang sarili mula sa kasinungalingan ng kaniyang asawa kundi maging ang batang nasa sinapupunan nito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media