Connect with us

Viral

Doktor nakatanggap ng bayad utang mula sa isang pasyenteng tinulungan niyang makabili ng gamot ilang buwan na ang nakararaan!

Published

on

Pagdating sa pagpapautang at pagbabayad ng mga taong nangutang, maraming mga Pilipino ang mayroong kaniya-kaniyang opinyon ukol dito. Kadalasang hindi maganda ang nagiging karanasan ng marami sa atin sa tuwing tayo ay magpapautang.

Photo credit: Alfie Calingacion

Maging ang mga taong nangungutang sa ngayon na hindi marunong magbayad ay parami na rin ng parami. Ngunit kakaiba ang naging karanasan ng doktor na ito.

Siya si Dr. Alfie Calingacion, isang ‘doctor to the barrios’ sa isang rural health center sa Loon, Bohol. Ibinahagi niya sa social media ang kaniyang pagkabigla ng bayaran siya ng isa sa mga naging pasyente niya noon.

Hindi na nga niya matandaan pa ang mukha at pangalan ng pasyente ngunit talagang hindi ito nakalimot sa ginawang pagtulong sa kaniya noon ng doktor. Ayon kay Dr. Calingacion, hindi na bago para sa kanilang mga doktor sa baryo na tumulong sa mga pasyente nilang nangangailangan ng agarang medikasyon lalo na at halos lahat naman sa kanila ay mula sa mahihirap na pamilya.

Photo credit: Alfie Calingacion

Kailangan ng kaniyang pasyente ng gamot ngunit hindi na ito “available” pa kung kaya naman kailangang bumili ng pasyente sa botika gamit ang sarili nilang pera. Batid ng doktor na hirap din talaga sa buhay ang kaniyang mga pasyente kung kaya naman binigyan na niya ito ng perang pambili ng gamot at hindi na niya iniisip pang mababayaran ito sa kaniya.

Talagang nasorpresa siya ng abutan na lamang siya ng isang puti na sobre na mayroong nakalagay na pera sa loob.

Sambit pa sa kaniyang ng dati niyang pasyente: “Doc mo bayad ko sa akong utang nimo.”

Ayon sa doktor, tunay nga na kung sino pa iyong mga taong hirap sa buhay, may problemang pinansyal ay iyon pa ang mga taong mayroong malinis na kalooban at mabuting puso. Kung marami ang hindi nagbabayad ng utang sa ngayon at ganoon na lamang ang pagpopost sa kanilang social media ng kanilang mga gala at mga bagong biling gamit, mayroon pa rin palang mga taong katulad ng pasyenteng ito ni Dr. Calingacion.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media