Connect with us

Viral

Siklista, nakuhanan ng video na nag-beating the red light ngunit siya pa ang nagalit ng husto sa motorsiklong nakabangga sa kaniya!

Published

on

Kuhang-kuha sa CCTV footage ang isang siklista na walang pakialaman sa batas trapiko. Kahit kasi naka-Signal ng kulay pula ang traffic lights at dire-diretso pa rin ito sa mabilis na pagpadyak.

Tumagal ng 37 segundo ang naturang video na nakuhanan sa six-lane junction sa Cebu South Coastal Road at Bacaltos Street noong Oktubre 18. Ang naturang lalaki ay wala man lang suot na kahit anong “protective gear”.

Nagmamadali nitong tinahak ang delikadong intersection at bigla na lamang huminto sa kalagitnaan. Hindi niya kaagad namalayan ang mga sasakyan na patungo sa kabilang direksyon na kaniyang kinaroroonan.

Nagawang makaiwas ng siklista sa ilang mga sasakyan, maging ang puting van na muntik na ring makabangga sa kaniya. Hindi niya inaasahan ang pagsulpot ng isang motorsiklo sa bandang kaliwa niya.

Agad namang tumumba ang magkasamang babae at lalaki sa naging banggaan. Wala namang napahamak, nasugatan at nasaktan sa nangyaring insidente.

Ngunit laking gulat ng mga tao roon nang masaksihan na tila ba galit na galit pa ang siklista sa nakamotor dahil sa nangyaring banggaan na siya naman talaga ang pangunahing naging dahilan. Matapos nito ay 30 minutong nagkaroon ng mabagal na trapiko.

Agad namang humupa ang lahat nang makaalis na ang mga siklista at dalawang nakasakay sa motorsiklo. Pahayag namang ng isang traffic official ay iimbestigahan nila ang pagkakakilanlan ng mga taong nasa video.

Sa ngayon ay wala pang nagrereklamo sa kanilang tanggapan ukol sa nangyaring ito kung kaya naman nais din nilang maimbestigahan ang pangyayari. Binigyang-diin din naman ng lokal na otoridad na hindi lusot ang siklista sa nangyari at tiyak na mayroon pa rin itong pananagutan kahit bisikleta lamang ang kaniyang minamaneho.

Tunay nga na napakarami nang nangyayari sa ating paligid sa araw-araw. Hindi natin kontrolado ang halos lahat ng ito ngunit nasa atin pa rin ang desisyon kung magiging mabuti tayo sa ating kapwa o hindi sa maraming mga pagkakataong iyon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media