Connect with us

Viral

Isang taxi na mayroong mala-gubat na interyor, pumukaw sa atensyon ng publiko!

Avatar

Published

on

Mayroon tayong kaniya-kaniya nating mga paniniwala at opinyon patungkol sa maraming mga bagay. Kadalasan ay hindi tayo naiintindihan ng mga tao sa ating paligid ngunit paminsan-minsan rin naman ay nakakatanggap tayo ng paghanga mula sa kanila.

Tulad na lamang ng isang kakaibang taxi na ito. Marami ang namangha sa interyor ng sasakyan na ito dahil hindi ito pangkaraniwang makikita.

Hindi ito kulay pink na pinalamutian ng mga imahe ni Hello Kitty o di kaya naman ay mayroong mga special features sa loob o libreng treats para sa mga pasahero. Ang taxi kasi na ito ay mayroong mala-gubat na interyor.

Aakalain mong ikaw ay nasa loob ng gubat habang patungo ka sa iyong destinasyon. Ayon sa ilang mga ulat, ibinahagi ng pasaherong si Pizchys Phaniwan ang ilang mga larawan ng taxi na ito dahil sa pagiging kakaiba nito.

Mayroon din siyang takot na naramdaman ng masakay siya rito kung kaya naman naisip niyang i-post ito sa kaniyang social media account. Dahil sa kaniyang post na naging viral ay nakarating sa kaalaman ng “Land Transportation Department” (LTD) ng Thailand ang kakaibang disenyo ng taxi.

Ang driver nito ay nakilala bilang si Wichai Chinwong. Ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang hitsura ng kaniyang sasakyan.

Ang mga ugat daw kasing nasa kisame nito ay sagrado at dinasalan ng isang Buddhist Monk. Para sa kaniya ay ligtas siya at malayo sa kapahamakan habang nagmamaneho dahil sa mga ugat na ito.

Hindi pala ito alinsunod sa “guidelines” ng LTD kung kaya naman kinailangan pa niyang magmulta ng 1000 Baht. Kinailangan din niyang matapos ang tatlong oras na “remedial taxi drivers training”.

Tunay nga na kakaiba ang taxi na ito ngunit hindi ito mapapahintulutan ng otoridad dahil sa maaari din itong magdulot ng kapahamakan hindi lamang sa driver lalo na sa mga magiging pasahero nito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media