Connect with us

Viral

Binatang walang ibang ginawa kundi matulog lamang sa kaniyang live, umani ng 1.8 million views mula sa mga netizens!

Avatar

Published

on

Sa panahon natin ngayon na laganap na ang social media, mga modernong gadgets, at maayos na internet connection kung kaya naman hindi na rin bago sa maraming mga Pilipino ang panunuod sa mga live o di kaya naman ay mga YouTube videos. Kaniya-kaniyang pakulo ang mga vloggers o video content creator upang mas maraming mga netizens ang manuod at tumangkilik sa kanila.

Sa paraan kasing ito ay maaari na rin silang kumita ng pera at maaari na rin ilang maging trabaho ang paggawa ng mga videos sa sarili nilang channel. Kamakailan lamang ay nasorpresa ang publiko dahil sa umabot lang naman ng 1.8 million views ang live ng binatang si Marnie Saez mula sa Cavite City.

Hindi naman talaga nakakaaliw ang kaniyang “content” dahil sa ang ginawa lamang niya sa kaniyang live ay matulog ngunit nakakapagtakang umabot ng halos dalawang milyon ang mga taong nanuod sa kaniya. Mayroon pa ngang caption ang kaniyang video na “Time to sleep mga beshy tara sama kayo.”


Literal talagang natulog lamang siya sa kaniyang video na umani rin ng maraming mga reaksyon at komento mula sa publiko. Mayroong mga nagsasabing ginawa lamang niya ito upang makapukaw ng atensyon mula sa publiko ngunit pahayag naman niya ay nais lamang niyang magpasaya ng ibang tao sa paraang alam niya.

Naibahagi din niya ang tunay na dahilan kung bakit talaga siya nag-live ng mga oras na iyon. Kakahiwalay lamang kasi nila ng kaniyang live-in partner ng mga panahon na iyon at nakaramdam siya ng matinding lungkot kung kaya naman naisip na lamang niyang mag-live.

Tunay nga na hati man ang naging opinyon ng publiko tungkol dito, malaki pa rin ang kaniyang pasasalamat sa mga taong nanuod sa kaniyang live video kahit pa nga wala naman talaga siyang ginawa rito kundi ang matulog lamang. Dahil rito ay nabawasan kahit papaano ang lungkot na kaniyang nararamdaman.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media