Connect with us

Viral

Isang alagang aso, pinagsuot ng kaniyang amo ng lumang damit na mismong isinuot nito nang kaniyang binyag noong siya ay bata pa!

Published

on

Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang pag-aalaga ng mga aso. Certified pet lover nga kung ituring ang marami sa atin.

Hindi lamang aso at pusa ang ating inaalagaan. Mayroon ding mahilig mag-alaga ng ibon, isda, at maging mga “exotic pets”.

Bahagi na ng pamilya kung ituring ang mga alagang hayop na ito. Marami pa ngang nagbibiro sa social media at nagsasabing, mas mahal pa ang mga gamit at pagkain ng alaga nilang hayop kaysa sa sarili nilang mga pangangailangan.

Halimbawa na lamang ang isang pet lover na si Erriel Saplala. Mayroon siyang alagang aso na isang Dachshund. Pinangalanan niya itong Larkin at talagang mahal na mahal niya ang kaniyang aso.

Sariling anak na niya kung ituring ito. Kinagiliwan ng publiko ang larawan ng kaniyang asong si Larkin dahil sa napaka-cute nitong kasuotan na akala mo bang bibinyagan!


Ang damit na suot ni Larkin ay damit pala mismo ng kaniyang amo na si Erriel noong siya ay bininyagan noon. Ibinahagi ni Erriel na itinago niya talaga ang damit niyang ito upang maipagamit pa niya ito sa mga magiging anak niya.

Bilin ito sa kaniya ng kaniyang mahal na ina kung kaya naman daw nais niya itong sundin. Hindi siya nagdalawang-isip pa na ipasuot sa kaniyang alagang aso ang kaniyang damit pambinyag.

Sadyang napakasarap din daw sa pakiramdam na makita na suot suot ng kaniyang anak ang damit niya noong bata siya. Tunay nga na hindi mo kailangang magbuntis o magsilang upang masabi mo sa iyong sarili na ikaw ay ganap nang isang ina.

Ang pagiging isang magulang o isang ina ay nasa puso at gawa ng isang tao. Kung kaya naman walang masama sa pagiging isang magulang ni Erriel sa kaniyang anak-anakan na si Larkin.

Kitang-kita naman sa hitsura ng kaniyang alagang aso na hindi lamang isang pet o isang hayop ang turing nina Erriel sa kaniya kundi isang kapamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media