Connect with us

Viral

Estudyante, nakatulog sa isang butiki habang nag-aaral ng leksyon, nagkaroon ng isang “tattoo” sa kaniyang mukha!

Avatar

Published

on

Hindi na lingid sa maraming mga Pilipino ang pagsubok na nararanasan natin hindi lamang dahil sa kahirapan sa bansa kundi lalo na sa pandemyang hanggang ngayon ay kumakalat pa rin sa bawat sulok ng mundo. Hindi lamang mga industriya tulad ng turismo, showbiz at ekonomiya ng bansa ang labis na naaapektuhan.

Photo credit: menlin_fitri / Twitter

Maging ang mga kabataan at mga estudyanteng dapat sana ay masayang nag-aaral sa mga eskwelahan. Maraming mga esyudyante sa ngayon ang talagang hirap dahil sa modular learning at online classes na kanilang ginagawa.

Gusto man nilang makasama ang kanilang mga guro at kamag-aral ay hindi pa ito posible ngayon sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 pandemic. Dahil sa hindi hinayaan ng ating pamahalaan na matigil ang pag-aaral ng mga kabataanga Pilipino ay patuloy pa rin nilang sinisikap na matuto at matapos ang kanilang pag-aaral para na rin sa kanilang kinabukasan.

Kamakailan lamang maraming mga netizens ang nagulat nang kumalat ang larawan ng isang batang ito na nakatulog habang nag-aaral ng kaniyang mga leksyon. Ang nakakatuwa pa rito ay mayroon na siyang “temporary tattoo” sa kaniyang mukha na hugis butiki.

Mapapansin sa kaniyang larawan na tila ba antok na antok pa ang bata ngunit hindi rin maitatanggi na may halong pagkainis ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Bagamat wala masyadong impormasyon tungkol sa batang ito, ayon sa ilang mga ulat ay isa siyang Taiwanese.

Photo credit: menlin_fitri / Twitter

Maraming mga netizens ang hindi na napigilan pang magkomento at mag-react sa naturang larawan ng estudyante. Ilan sa kanila ay nagsasabing marahil ay masyadong mahirap ang inaaral niyang asignatura ng mga oras na iyong kung kaya naman siya ay bigla na lamang nakatulog.

Naging napakahimbing ng pagtulog niya at hindi na niya namalayang mayroon na pala siyang nadaganan na butiki. May ilang mga netizens pa ang nagsabing sana ay lumisan ng mapayapa ang butiki at hindi na masyadong nahirapan pa matapos siyang madaganan ng isang batang antok na antok habang gumagawa ng kaniyang mga larawan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media