Connect with us

Viral

Isang babae ang pinalalabas sa isang establisyemento dahil sa wala siyang suot na “face mask”, naghubad ng kaniyang panloob at ito ang inilagay sa kaniyang mukha!

Avatar

Published

on

Saan ka man magpunta, basta’t ikaw ay nasa labas ng iyong tahanan, obligado kang magsuot ng “face mask” at maging ng “face shield” upang masiguradong hindi ka makakahawa at hindi ka mahahawa ng ibang tao lalo na at mayroon na namang ikalawang “mutation” ng mapanganib at nakahahawang COVID-19. Hindi ka pa nga papayagang pumasok sa ilang mga establiyemento lalo na kung wala kang “face shield” at lalong lalo na kung wala kang suot na “face mask”.

Photo credit: Sabrina Chiloane / Facebook

Ngunit sa kabila ng matinding paalaala ng otoridad at maging ng maraming mga establisyemento ay mayroon pa rin talagang mga taong ayaw sumunod sa protocol na ito. Tulad na lamang ng isang babae na ito sa South Africa, siya ay namimili sa “Pick ‘n Pay” supermarket nang walang suot suot na “face mask”.

Hindi namalayan ng ilang mga staff ng establisyemento na nakapasok at nakapamili na pala ang babaeng ito. Nang makita ng isa sa kanilang mga gwardiya ang babae ay halos marami-rami na rin itong napamili at pinaalalahanan din ng guwardiya ang babae na kung hindi siya magsusuot ng kaniyang “face mask” ay mapipilitan silang palabasin na siya ng kanilang tindahan.

Photo credit: Sabrina Chiloane / Facebook

Habang umiinit ang diskusyon ay bigla na lamang yumuko ang babae na tila ba ay kinukuha sa ilalim ng kaniyang damit. Kinukuha pala nito ang kaniyang panloob at ito ang ginamit niyang mask!

Photo credit: Sabrina Chiloane / Facebook

Labis itong kinagulat ng security guard na sumita sa kaniya at ng mga taong nakasaksi sa nangyari. Ngunit depensa naman ng isa pang kostumer na naroroon ay hindi na nila maaari pang pagbawalan ang babaeng mamili ng kaniyang mga kailangan dahil sa mayroon na siyang suot na “face mask”.

Hindi hamak naman daw na mas kakaunti ang “bacteria” na mayroon sa pinanggalingan ng kaniyang panloob kaysa naman sa dalang panganib ng pandemyang ito ngayon lalo na kung wala silang suot na face mask.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media