Connect with us

Viral

Carrot man na nag-viral noon, maganda na pala ang buhay ngayon bilang isang Real Estate Agent!

Avatar

Published

on

Marami nang mga tao ang nadiskubre at nakilala dahil lamang sa social media. Talamak na nga talaga at laganap ang social media sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Tila ba lahat ng iyong hahanapin ay naririto na. Magmula sa mga “buy and sell items”, mga apartment at bahay na pinapaupahan o binibenta, iba’t-ibang klase ng online business at marami pang iba tiyak na hindi ka na mahihirapan pang maghanap sa social media.

Kahit pa nga ang mga “future model”, “future actors”, “future actress” ay napakadali nang madiskubre rito. Ngunit bago pa man sumikat ang mga kilalang vloggers ngayon at social media personality ay minsan na nating hinangaan si Carrot man o si Jeyrick Sigmaton sa tunay na buhay.


Taong 2016 pa nang una natin siyang masilayan at kahit pa nga nagbubuhat siya ng mga carrot noon ay kapansin-pansin ang angkin niyang kagwapuhan at kakisigan. Ayon sa ilang mga ulat, nagtatanim at nagbebenta ng mga gulay ang pamilya ni Jeyrick sa Mountain Province kung kaya naman ito na rin ang kaniyang pinagkakakitaan.

Dahil sa naging viral ang ilang mga larawan niya ay nakatanggap siya ng ilang mga imbitasyon sa telebisyon. Naging guest siya sa ilang mga programa at naitampok pa nga ang kaniyang buhay sa “Magpakailanman” at “Kapuso Mo, Jessica Soho”.

Naimbitahan din siya sa programa ni Willie Revillame na “Wowowin” kung saan nakatanggap siya ng pambihirang sorpresa na siya ay pag-aaralin ni Kuya Wil hanggang sa makatapos siya ng kolehiyo. Sa ngayon ay maganda na ang kaniyang buhay at nagtatrabaho bilang isang Real Estate Agent.

Rumaraket din siya minsan bilang isang modelo at tumatanggap pa rin siya ng mga TV guestings. Mayroon na rin siya ngayong YouTube Channel kung saan pinamangha niya ang publiko sa naging pagbabago ng kaniyang hitsura at ang kapansin-pansin na kumpiyansa niya ngayon sa kaniyang sarili na ibang-iba kumpara dati.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media