Connect with us

Viral

Propesyon ng mga nars inilarawan bilang “katulong” ng mga doktor sa isang module ng DepEd, ilang mga nars umalma!

Published

on

Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan na ito ng isang DepEd module kung saan inilalarawan ang mga trabaho ng isang karpintero, nars at chef. Inilarawan ang karpintero bilang tagawa ng bahay, ang chef ang tagaluto ng masasarap na mga pagkain.

Image by @shameonyouppl via Twitter

Samantala, ang mga nars naman ay inilarawan bilang katulong o kasama ng doktor. Sa ngayon ay hindi na natin ginagamit na paglalarawan sa isang propesyon, trabaho o indibidwal ang pagiging isang katulong.

“Offensive” kasi ang mga salitang ito at talaga nakakapanliit kung maririnig ng taong sasabihan mo nito. Ngunit sa module na ginagamit ngayon ng DepEd ay hindi na naiwasan pa ng publiko lalo na ng mga kababayan nating nars na magsalita at ipahayag ang kanilang opinyon patungkol dito.

Image by @shameonyouppl via Twitter

Ayon sa isang netizen, hindi dapat ganoon ang pagpili ng mga salita ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na at para sa mga bata ang module na ito. Ang mga nars ay itinuturing na isa sa mga dakilang bayani sa panahon natin ngayon dahil sa hindi nila alintana ang panganib na maaaring kaharapin nila sa gitna ng pandemya.

Kahit pa nakasalalay ang kanilang buhay at sariling kalusugan sa pagtatrabaho sa mga ospital at pag-aalaga sa mga may karamdaman ay buong puso pa rin nilang ginagampanan ang sinumpaan nilang tungkulin. Isang netizen pa ang nagkomento na dapat alisin sa isipan ng publiko na ang mga nars ay katulong lamang ng mga doktor.

Image by @shameonyouppl via Twitter

Napakahalagang bahagi nila ng isang team at hindi makakayanan ng ating mga ospital kung wala tayong mga masisipag na mga nars. Narito ang kanilang mga naging komento at reaksyon:

“The choice of word din kasi ang nagpapangit ng meaning dyan. I’m okay with member ng healthcare “team” pero tatawagin kang katulong? Napakadegrading ng dating? Kapag wala nurses hindi magfa-function ang isang ospital. All around kaya kami. Minsan taga ayos din ng aircon, janitor etc.” Komento ng isang netizen.

Image by @shameonyouppl via Twitter

“Yes, mali na talaga ang term na katulong. Katuwang kaagapay kasama. Masyadong offensive na pag ginamit yung term na katulong sa panahon now.” Pahayag ng isang concerned netizen.

“Mali ang ginamit na salita, dapat sana, ka-agapay o katuwang ng doctor sa gawaing hospital, ganern,” Komento pa ng isa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media