Connect with us

Viral

Para kay Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo, mas mahalaga pa rin ang karakter kaysa sa pagkakaroon ng karangalan sa pag-aaral o Latin honors!

Avatar

Published

on

Si Rabiya Occeña Mateo o mas nakilala natin bilang si Rabiya Mateo ay 24 na taong gulang na “Indian-Filipino model” mula sa Iloilo City. Isa rin siyang “beauty pageant titleholder” na kinoronahan bilang “Miss Universe Philippines 2020”.

Siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 Pageant. Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kagandahan at katalinuhan.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang kaniyang naging pahayag sa “Missosology program” na ginanap noong Pebrer0 13, 2021. Mayroon kasing isang netizen na nagtanong sa kaniyang kung naniniwala ba siya na mas lamang ba talaga ang mga estudyanteng nagtapos ng mayroong “Latin Honors” sa paghahanap ng trabaho.


Ayon kay Rabiya, mas mahalaga ang karakter kaysa sa kahit anong kurso o degree na nakamit ng isang tao.
“It is not the degree that will land you a great job; it is your character and perspective in life,” Pahayag ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

“Graduating with latin honors is an evidence that you really did well, but life is more than what you read in books. It’s about being street smart and how you interact with people,” dagdag pa ni Rabiya.

Umani ito ng sari-saring reaksyon at komento mula sa publiko. Mayroong ilan na sumang-ayon sa kaniyang naging pahayag habang mayroon din namang hindi sumang-ayon dito.

Narito ang ilan sa kanila:

“Miss Mateo, I love your point, pero sana huwag itong mamisterpret ng iba na huwag nang magpatuloy o magtapos ng pag-aaral. Basically, we need diplomas and transcript of records in order to enter a good company or find good opportunities. Pero syempre, mahalaga pa ring pinauunlad ang character. I think kasama rito ang pagkakaroon ng good grades, kasi dito makikita ang character mo when it comes to discipline and perseverance,” Komento ng isang netizen.

“For me, good character and having degree with latin honors are equally important.” Turan naman ng isa pa.

“This is good. Very motivating. But as much as I want to fully believe in this, there will be always this ‘reality’ that we should also know. Not being a pessimistic person here but, even with good character, if you do not have the qualification standards… you’ll not end up with that big opportunity. Even if it’s most-deserved.” Saad pa ng isa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media