Connect with us

Viral

Dalawang taong gulang na bata, nasawi matapos magsaksak ng isang kutsara sa “extension wire”!

Avatar

Published

on

Napakasarap sa pakiramdam makita ang ating mga anak na lumalaki sa paglipas ng panahon. Kahit na mahirap ang buhay at hindi biro ang pagpapalaki ng bata ngayon ay nakakaya natin dahil sa ating wagas at natural na pagmamahal sa kanila.

Ngunit paano nga kaya kung isang araw ay mangyari na lamang ang isang bagay na talagang kinatatakutan nating lahat? Ang mauna silang bawian ng buhay kaysa sa ating mga magulang nila.

Usap-usapan ngayon sa social media ang kalunos-lunos na sinapit ng dalawang taong gulang na batang ito matapos niyang magsaksak ng isang kutsara sa “extension wire”! Dahil dito ay agad din siyang binawian ng buhay.

Hindi matanggap ng kaniyang mga magulang na sina Eloisa Acay at Mharc Louise Angara na hindi na nila muli pang makakapiling ang kanilang anak na si Jake.


Ayon sa ilang mga post ng inang si Eloisa ay hindi niya talaga lubos akalain na wala na ang kaniyang anak, ang kaniyang mister naman ay hindi pa rin magawang silipin ang bangkay ng kanilang anak kahit pa sa huling lamay ng bata dahil sa hindi pa rin nito matanggap na wala na ang kanilang pinakamamahal na supling. Maraming mga netizens ang naki-simpatya sa pamilya.

At talaga namang nagbigay din sila ng kani-kanilang mga sariling reaksyon at komento patungkol sa pangyayaring ito. Ayon sa iilan, disgrasya mang maituturing at talagang hindi sinasadya ang nangyaring ito sa kawawang paslit, mas maiiwasan sana ito kung mas naging maingat at mapagbantayan ang mga magulang.

Ayon pa nga sa komento ng ilang mga magulang, mas mabuti nang praning pagdating sa kaligtasan ng kanilang mga musmos na anak kaysa naman magpa-ospital o di kaya naman ay magkaroon ng isang anak na nakahimlay na sa kabaong. Sa hindi magandang pangyayari na ito ay dalangin ng marami ang ikatatahimik ng kaluluwa ng bata at ang maging ang kapayapaan at kabutihan ng kaniyang mga naiwan.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media