Connect with us

Viral

Batang nagtinda ng “ice cream” sa lansangan, binili ng “milk tea” ang kaniyang ina para sa Valentine’s Day gamit ang perang kaniyang kinita!

Avatar

Published

on

Hindi madali ang pagiging isang ina. Marahil minsan ay naramdaman mo na rin na tila hindi ka na pinapakinggan at pinapahalagahan ng iyong asawa at mga anak.

Masakit sa kalooban at talagang napakahirap maranasan nito. Ngunit kalaunan ay mapapaisip din naman tayo na ano man ang mangyari, hindi man madalas na nakikinig ang mga anak natin sa atin o hindi man tayo palaging nabibigyang importansiya ng ating mga asawa, kailangan pa rin nila ang “ilaw ng tahanan”.

Photo credit: HO CHAYA / Facebook

Kung kaya naman nitong nakaraang Araw ng mga Puso o Valentine’s Day ay hindi naiwasan ng publiko na humanga sa batang ito na nagtungo sa isang milk tea shop sa San Fernando, Pampanga upang ibili ng regalo ang kaniyang butihingina. Ayon sa viral post, nagtungo sa “Ho Chaya” milktea shop ang bata at doon siya bumili ng ireregalong milk tea para sa kaniyang ina.

“Dumeretso agad [siya] sa counter para pumili ng gustong flavor ng milk tea. Sinabi ng kahera na kapag bumili siya ng dalawang milk tea ay mabibigyan siya ng free mug. Kita sa kanyang mukha ang pagkadismaya sabay sabing meron po ba kayong milk tea na kasya sa P120? ‘Yan lang po kasi ang pera ko,’” Pagbabahagi mismo ng milk tea shop.

Photo credit: HO CHAYA / Facebook

Sinabi ng kahera sa bata na maaari siyang bumili ng “chocolate milk tea” sa halagang Php120. At talagang lagpas tenga ang nginit ng batang ito nang makuha ang kaniyanga order at agad na sinabing para ito sa kaniyang ina, sorpresa niya para sa Valentine’s Day.

Hindi alintana ng bata ang hirap at pagod na kaniyang naranasan maibenta lamang ang kaniyang mga panindang “ice cream. Hindi napigilan ng kahera na maluha sa nasaksihan niyang ito kung kaya naman binigyan na rin niya ang “Free Mug” ang bata kahit isa lamang ang order niyang “milk tea”.

Tunay nga na maraming mga netizens ang natuwa at humanga sa batang ito dahil sa kagustuhan niyang mabigyan ng regalo ang kaniyang ina sa espesyal na araw na ito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media