Connect with us

Viral

Magkapatid sumubok magtayo ng isang “pop-up coffee stand” sa tabing kalsada na ngayon ay patok na patok na sa maraming mga tao!

Avatar

Published

on

Isa ka rin ba sa mga taong “Coffee is Life”? Tayong mga Pilipino, aminin man natin o hindi, talagang hindi natin kayang simulan ang ating araw kung walang kape.

Photo credit: Johndoe Gallegos / Facebook

Kape at tinapay, kape na mayroong kanin at ulam na kapareha o di kaya naman ay kahit kape lang mismo – nagsisilbi na itong lakas natin upang kaharapin ang ating mga trabaho at maging ang mga gawaing-bahay. Sa gitna ng pandemya, aakalain ba ninyong susubukin pa ng magkapatid na ito na magtayo ng isang negosyo?

Photo credit: Johndoe Gallegos / Facebook

At ito ay nasa tabing-kalsada pa! Mapangahas man at imposibleng maituturing ang naging desisyon nilang ito ay hindi ito naging hadlang upang hindi nila subukan ang pagbubukas ng kanilang munting negosyo.

Photo credit: Johndoe Gallegos / Facebook

Dalawang magkapatid kasama ng isa nilang pinsan ang nagdesisyon na magtayo ng isang “pop-up coffee stand” sa Candaba-Baliuag Road sa Pampanga noong Disyembre 2020. Sila ay ang magkapatid na sina Johndoe at Kim Martin Gallegos, at si Bill Lawrence Estacio.

“Coffee Bros” ang pangalan ng kanilang munting negosyo na noon ay walang gaanong kostumer. Sa ganap na alas-singko pa lang ng umaga ay maaari nang matikman ang kanilang kape hanggang ika-9 ng umaga.

Photo credit: Johndoe Gallegos / Facebook

Ayon sa naging pagkukwento ni Johndoe, noon ay tatlo lamang ang kanilang mga kostumer at yung dalawa pa roon ay kanilang mga pinsan. Ngunit hindi nila namalayan na unti-unti nang nagbabalikan ang kanilang mga parokyano.

Kung dati ay mga “instant coffee” lamang ang kanilang itinitinda, ngayon ay mayroon na rin silang mga “made from scratch”. Sa ngayon ay humahango na rin sila ng mga kape nila sa Sagada, Baguio, at maging sa Kalinga.

Photo credit: Johndoe Gallegos / Facebook

Tunay nga na nakakamangha ang kanilang naging pagsusumikap at pagpupursige. Hindi naging hadlang ang takot na nararamdaman ng maraming mga tao dahil sa pandemya, maging ang kakulangan ng pinansiyal na pangangailangan upang maitayo nila ang kanilang pangarap na negosyo at magsilbi ring inspirasyon sa maraming mga Pilipino.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media