Connect with us

Viral

Nanalo ng isang Yamaha MT-15 at isang Honda PCX150 ang lalaking ito sa pamamagitan lamang ng paglalaro sa Tom’s World!

Avatar

Published

on

Isa ka rin ba sa mga taong mahilig mamasyal at magpalipas ng oras sa mall? Marahil ay nagawi ka na rin sa ilang mga laruan sa loob nito tulad na lamang ng Tom’s World, World of Fun, at marami pang iba.

Maniniwala ka bang hindi lamang pala candy, teddy bear, appliances o bike ang maaari mong mapanaluan dito? Mayroon na kasing nanalo ng isang brand new motorcycle sa Tom’s World SM City Sta. Rosa dahil sa kaniyang 1,607,500 na bilang ng mga tickets.

Nakapag-uwi lang naman si Miguel Co ng Yamaha MT-15. Ang napakagandang motorsiklo na ito ay nagkakahalaga ng Php159,000 kung bibilhin sa motorcycle dealer.

Hindi lamang pala isang motorsiklo ang napanalunan ni Miguel dahil sa nakapag-uwi na rin siya ng Honda TMX Supremo na napanalunan niya noong Agosto 7, 2018 gamit ang kaniyang 764, 925 na ticket points sa Tom’s World. Isang taon naman pagkalipas nito ay muli niyang napanalunan ang isang Honda PCX150 gamit naman ang kaniyang 1,410,500 na points.


Ang TMX 150 ay nagkakahalaga ng Php73,400 habang a ng PCX150 naman ay Php133,900 kung iyong bibilhin. Nakakabilib hindi ba? Marami ang nagtataka at nagtatanong kung paano nga kaya niya nagawang makakolekta o makalikom ng ganoon kalaking bilang ng mga puntos?

Hindi lahat ng tao ay pinapalad na mapanalunan ang mga ito kung kaya naman talagang marami ang nagnanais malaman ang kaniyang sikreto. Ngunit tila hindi pa yata ito ang tamang panahon upang ibahagi niya ang kaniyang mga diskarte upang makarami ng puntos at makapag-uwi ng hindi lamang isa kundi tatlong mga motorsiklo!

Marami ding mga netizens ang nagtatanong kung nakamagkano nga kaya ng gastos si Miguel sa lahat ng mga tickets na kaniyang nabili para lamang manalo ng brand new motorcycle. Mayroon din namang ilang mga netizens ang nagsasabing marahil ay mayaman talaga si Miguel dahil kung ordinaryong mamamayan ka lang naman ay hindi mo makakayang bumili ng bumili ng mga tickets at araw-araw na magpunta sa ganitong mga laruan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media