Connect with us

Viral

Isang babaeng pasahero ng dyip namataang may dala-dalang isang bundle ng lilibuhing pera at maraming mga makikinang na alahas!

Published

on

Ang pagsakay sa dyip ay bahagi na ng ating kultura. Maraming mga dayuhan ang nagnanais na sumubok sumakay sa sasakyang ito na tatak Pilipino talaga.

Ngunit dahil na rin sa pandemyang nararanasan pa rin natin sa ngayon ay hindi ito magiging posible. Sa kabilang banda, maraming mga Pilipino ang nasasanay na sa “new normal” kung tawagin lalo na sa pagsakay sa mga dyip na ito.

Marami kasi ang nagsasabing tila ba gagamba na ngayon ang mga pasahero dahil sa mga “barrier” na kailangang ilagay ng mga tsuper sa kanilang mga dyip bilang pagsunod sa health protocols. Kung noon ay mahigpit talagang ipinagbabawal ang mga pampublikong sasakyan sa lansangan, ngayon ay maaari na silang mamasada kahit papano.

Kamakailan nga lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang post na ito ni May Castro dahil ang isa sa mga pasahero ng dyip na kaniyang nakasabay ay mayroong suot na malalaki at makikinang na mga alahas. Tiyak na lalaki ang mata ng mga kawatan kung sakaling matanaw nila ang mga alahas na ito ng babaeng pasahero.

Ngunit maliban pa pala rito ay mayroon ding hawak na isang bundle ng pera ang babae, halos puro Php1,000 bills at ilang Php500 bills ang makikita sa kaniyang kamay. Maraming mga netizens ang napa-sana all dahil sa hindi naman lahat tayo ay nakakahawak ng ganoon kalaking halaga ng pera.

Kung marami ang namangha dito, marami din naman ang nag-alala dahil sa tiyak na malalagay sa peligro ang buhay ng babaeng ito lalo na kung makasalubong siya ng masamang loob sa daan. Para naman sa ilan pang mga netizens, dapat ay tinago na lamang ng babae o di kaya naman ay binalot man lamang ang malaking halaga ng salapi na kaniyang dala-dala.

Mas mabuti na ang nag-iingat kaysa naman dumating ang pagkakataon na wala na siyang ibang masasabi pa kundi ang kaniyang pagsisisi.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media