Connect with us

Viral

Netizen nagalit sa isang MMDA enforcer dahil sa ginawang pagtulong nito sa isang Taxi Driver na nasiraan ng kaniyang sasakyan, hindi raw kasi ito trabaho ng enforcer!

Avatar

Published

on

Hindi na bago ang usapin ng trapiko sa ating bansa lalo na sa ka-Maynilaan. Kadalasan kasing nagtatrabaho ang mga taga-probinsiya sa Maynila dahil sa mas malaking sahod nila rito. Ngunit ang kapalit nito ay ang nakakapagod nilang pagbiyahe araw-araw o linggo linggo.

Photo credit: Gadget Addict / Facebook

Dahil din rito ay mas dumarami pa ang mga sasakyan sa ilang mga siyudad dahil mas nais ng mga taong magmaneho ng sarili nilang sasakyan kaysa sumakay sa mga pampublikong sasakyan lalo na ngayon at mayroon pa rin tayong nararanasan na pandemya. Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang isang MMDA enforcer na ito na siyang nagmagandang-loob na tumulong sa isang Taxi driver na nasiraan ng sasakyan sa gitna ng kalsada.

Photo credit: Gadget Addict / Facebook

Ngunit sa halip na matuwa ang isang netizen sa ginawang kabutihan ng enforcer ay tila ba minasama pa nito ang pagtulong na kaniyang ginawa sa driver. Ayon sa naturang netizen ay sayang lamang daw ang pasahod sa MMDA enforcer na ito dahil sa halip na asikasuhin ang daloy ng trapiko ay inuna pa niyang tulungan ang nasiraang Taxi driver.

Ayon na rin sa mga taong nakasaksi ng tunay na nangyari, hindi naman inaasahan at hindi sinasadya ng driver na siya ay masiraan ng sasakyan sa gitna ng kalsada. Bagamat nagdulot talaga ito ng matinding trapiko ay hindi ito kinagalit ng MMDA enforcer na nakatalaga sa lugar na iyon.

Bagkus ay siya pa mismo ang tumulong upang maitabi ang sasakyan at matulungan ang driver na makumpuni ang kaniyang minamanehong taxi. Salungat sa naging opinyon ng galit na netizen, maraming mga netizens ang nagtanggol at pumuri sa enforcer na ito dahil hindi man sakop ng kaniyang trabaho ang pagtulong sa mga nasisiraang driver ay talagang nagkusa siya at nagmalasakit dito.

Photo credit: Gadget Addict / Facebook

Kung mas marami sanang mga tao ang magiging matulungin at maunawain tulad niya, tiyak na mas maraming mga buhay ang maililigtas lalo na sa mga nangyayaring away-trapiko sa ating bansa sa araw-araw.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media