Connect with us

Viral

Ito pala ang safety tip upang makaiwas sa aksidente at sa pagkakakuryente ang mga batang sadyang napakalilikot!

Avatar

Published

on

Kumurot sa puso ng publiko ang sinapit ng dalawang taong gulang na bata na nagsaksak ng isang kutsara sa kanilang “extension wire” Dahil sa insidenteng ito ay hindi na nakaligtas pa ang bata at binawian na ng buhay.

Malaki naman ang naging pagsisisi ng kaniyang mga magulang dahil sa pangyayaring ito. Dahil dito, mas maraming mga magulang na ngayon ang naging mas maingat at mas mapagbantay sa kanilang mga anak.

Kamakailan lamang ay kabi-kabilang mga “tips” ang nababasa natin online. Halimbawa na lamang ang isang post na ito sa Facebook Page na “Tom Sawyer Memes” kung saan makikita ang isangtip na maaaring gawin ng mga magulang sa kanilang tahanan.

Gamit lamang ang isang lumang baunan ng pagkain, glue gun at glue stick. Una nang susukatin ang paglalagyan nitong saksakan o electrical outlet.

Ididikit ang takip gamit ang “glue gun” sa mismong gilid ng saksakan at saka ilalagay dito ang ibabang bahagi ng baunan. Siguraduhin lamang na maayos at matibay ang pagkakasara nito upang hindi na mabuksan pa o masira ng bata.

Marami ang natuwa sa simpleng tip na ito ngunit mas marami din naman ang hindi sumang-ayon at sinabing marami pang mga bagay na maaaring bilhin sa murang halaga at masisigurado po ang pagiging epektibo nito kaysa sa subukan ang paraan na ito na hindi naman talaga 100% magiging epektibo. Talagang marami sa atin ang labis na nababahala sa ngayon kung kaya naman sa abot ng ating makakakaya ay pinipilit na nating iwasan at alisin ang mga bagay na magiging mitsa ng kapahamakan sa ating mag-anak.

Hindi man naisalba ang buhay ng batang si Jake ay mas magiging aral naman ito sa mas maraming mga magulang na huwag hayaang naglalaro ang kanilang mga anak lalo na kung hindi pa sila ganun katanda upang malaman ang mga bagay na maaari nilang ikapahamak. Mas mabuti nang maging maingat sa ngayon kaysa naman magsisi sa huli.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media