Connect with us

Viral

Estudyanteng gumawa ng isang “oven” gamit lamang ang lumang lata ng biskwit, umani ng papuri mula sa publiko!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang napakaraming mga pagsubok at hamon sa buhay. Lalo na kung hindi naman tayo isinilang sa isang mayamang pamilya.

Kung kaya naman para sa mga ordinaryong Pilipino, talagang kinakailangan natin na maging madiskarte at malikhain kung talagang nais nating makamit ang ating mga pangarap sa buhay.

Kamakailan lamang ay nagsilbing inspirasyon sa publiko ang ginawang ito ng isang estudyante mula sa Davao City dahil sa talagang ginamit niya ang pagiging madiskarte at malikhain niya para lamang makagawa siya ng kanilang “laboratory” sa paaralan.

Hindi hinayaan ng estudyanteng si Jovel Betonio Bante Jr. na maging hadlang ang pandemya o maging ang kahirapan upang hindi niya matapos ang kailangan niyang gawin sa isa sa kaniyang mga “major subjects”. Nag-post sa social media ang kaniyang guro na si Raymond Minoza dahil sa labis itong namangha sa ginawa ng binata.

Dahil sa walang kakayanang makabili ng isang oven ay gumawa na lamang siya ng isang “improvised oven” mula sa isang lumang lata ng biskwit. Kailangan niya kasi ito upang matapos ang proyekto nila sa “bread and pastry productions”.

Kasalukuyan siyang kumukuha ng kursong “Hospitality Management” sa Holy Cross of Davao College. Para sa kaniyang guro ay nagsilbi siyang inspirasyon at hamon sa maraming mga kabataan sa ngayon na nagnanais pa ring abutin ang kanilang mga pangarap sa kabila ng kahirapan.

“I was very inspired and touched by a student in my class when I saw these photos. Totoo talaga ang kasabihan na ‘Kapag gusto, maraming paraan,’ Wala talagang imposible kung gugustuhin lang natin matuto.” Pahayag ng kaniyang guro.

“Alam kong lahat tayo ay naghihirap sa panahong ito at gusto kong gawin natin itong inspirasyon, lalo na sa mga estudyante na maraming paraan kung gugustuhin lang nating matuto,” Dagdag pa ng guro.

“Naisipan ko po na gumawa na lang ng DIY oven para po makapag-laboratory ako sa major namin. Medyo mahirap pero kaya naman, inisip ko na gawin para may magamit ako sa laboratory naming.” Pagkukwento naman ni Jovel sa ABS-CBN.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media