Connect with us

Viral

Nakakabilib at makapigil-hiningang “lipat-bahay” sa Amerika, umani ng paghanga mula sa publiko!

Published

on

Maliban sa mga masasarap at nakakatakam na pagkain, mga nakakabighaning tanawin at kakaibang klima dito sa ating bansa, maraming mga dayuhang turista din ang nahihilig bumalik sa Pilipinas dahil sa pagiging “hospitable” ng maraming mga Pilipino. “Hospitality” o ang pagiging magiliw natin sa mga bisita, dayuhan man o hindi, ay isa sa mga nakakabilib na kaugalian nating mga Pilipino.

Ngunit bago pa man tayo makilala sa kaugalian na ito ay minsan na rin tayong hinangaan dahil sa ating “bayanihan”. Isa sa mga simbolo ng bayanihan nating mga Pilipino ang pagtulong sa ating mga kapit-bahay lalo na kung nangangailangan sila ng tulong sa paglilipat ng kanilang bahay.

Gawa pa sa kahoy, pawid, at kawayan ang mga bahay natin noon kung kaya naman kayang-kaya itong pagtulungan ng mga kalalakihan habang mayroong isang babae sa loob na siyang nag-iingat sa mga maliliit at magagaan na mga bagay na maaaring mabasag o malaglag habang ginagawa ito. Sa ngayon ay hindi na natin madalas mamataan ang ganitong sistema dahil sa karamihan na rin sa ating mga tahanan ngayon ay gawa na sa bato.

Ngunit aakalain ba ninyong sa Amerika ay kasalukuyang naglipat ng isang malaking bahay at mapapanuod ito sa “San Francisco Chronicle” sa YouTube. Hindi naiwasan ng publiko na mamangha dahil sa isang Victorian house na halos nasa 139 taon na ang kinailangang ilagay sa isang “flat bed” upang madala sa San Francisco, California sa Amerika.


Buong buong dinala ang “Englander house” na ito sa bago nitong kalalagyan dahil sa mayroon nang ibang establisyementong itatayo sa dati nitong kinatitirikan. Makapigil hininga ang ginawang paglilipat na ito gamit lamang ang mga “giant dollies”.

Sa halagang $400,000 ay naisagawa nilang mailipat ang naturang bahay. Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens patungkol sa naging pagliliipat-bahay na ito:

“That’s actually pretty normal. People can actually buy what’s called a ‘Manufactured House’ and it’s going to get shipped to them by a truck convoy passed some before while driving on the highway. That’s how some people move their houses here,” Komento ng isang netizen.

“Ganyan naman talaga karamihan ng bahay sa Western countries made from woods and bricks hindi na bago ‘yan, even sa mga movies and tv shows, makikita mo na ganyan, malamig kasi sa kanila, kaya ganyan style ng mga bahay nila, kaya nadadala ang mga bahay sa ibang lokasyon.” Pahayag naman ng isa pa.

“In the Philippines, when you say ‘lipat-bahay,’ it’s not the house itself, only things inside the house. But in this photo as you can see, literally na ‘lipat-bahay’ talaga. Haha… sana all!” Saad pa ng isa.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media