Connect with us

Viral

Customer, hindi napigilang bumilib sa rider na nakabisikleta lamang nang magdeliver ng kaniyang inorder na laruan!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, napakadali na lamang kumilos at gumawa ng maraming mga bagay. Hindi kasi katulad dati, marami nang mga makabagong gamit, gadget, at maging mga app na maaari nating magamit.

Lalo na ngayong panahon ng pandemya, talagang nakatulong ng malaki hindi lamang sa mga mamimili kundi maging sa mga negosyante ang “cashless payment” at ang mga “online transactions”. Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang online shopping o di kaya naman ay home deliveries.

Isang “click” lamang sa ating mga cellphone, laptops, o computer ay talagang mabibili o makukuha na natin ang nais nating produkto. Kamakailan lamang, hinangaan ng publiko ang post na ito ng netizen na si Michael Jamandre.


Sa kaniyang post kasi ay makikita ang isang lalaki na hindi mo aakalain na “delivery rider” pala dahil sa bisikleta ang kaniyang gamit hindi motorsiklo o kotse. Noong una ay talagang hindi napigilan ni Michael na mainis at magalit dahil sa halos 3 oras na siyang naghihintay sa pagdating ng kaniyang order na laruan ngunit hindi pa rin ito dumarating.

Nang makita niya ang taong nagdeliver sa kaniyang biniling laruan ay talagang hindi na niya napigilan pang mamangha at bumilib dito dahil sa simpleng bisikleta lamang ang gamit nito mula Binondo hanggang Cavite! Sa halagang Php250 ay balikan na niya itong babaybayin.

Maliit na halaga lamang kung tutuusin ngunit hindi rin talaga biro ang hirap at pagod na iyong dadanasin kung sakaling ikaw ang magbibisikleta papunta at pabalik. Ayaw na sanang pasuklian ni Michael ang Php500 na kaniyang binayad, pinilit niyang tanggapin na nito ang pera dahil sa malayo pa ang kaniyang lalakbayin sakay ng kaniyang bisikleta.

Kinuha ng rider ang Php100 piso at ibinalik ang natirang pera sa kaniya sabay sabing sapat na raw ang perang iyon sa kaniya. Talaga namang saludo ang maraming mga netizens sa rider na ito na hindi alintana ang pagod at hirap magawa lamang ng maayos ang kaniyang trabaho.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media