Connect with us

Viral

Boyfriend, masayang napagtapos ang kaniyang nobya sa kolehiyo kahit pa siya ay breadwinner ng kaniyang pamilya!

Avatar

Published

on

Bahagi na ng kultura nating mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga anak na siyang tumutulong at sumusuporta sa kanilang mga magulang o di kaya naman ay buo nilang pamilya. Kadalasang breadwinner ang tawag sa kanila.

Photo credit: GMA Public Affairs

Hindi nila alintana ang hirap at pagod, maibigay lamang ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Ngunit sinong mag-aakala na maging ang isang breadwinner ng sarili niyang pamilya ay magagawa pang makapagpatapos ng kaniyang sariling nobya?

Photo credit: GMA Public Affairs

Si Jefrey Oyando ang masipag at responsableng nobyo ni Catherine Bascon. Marso 2019 nang matupad ang isa sa kanilang mga pangarap, ang makapagtapos si Catherine ng kaniyang kolehiyo.

Sinuportahan siya ng kaniyang nobyong si Jefrey mula sa kaniyang mga tuition fee, allowance at iba pang mga gastusin sa paaralan hanggang matapos niya ang kaniyang 4-year course na “Bachelor of Science in Computer Science”. Marami ang nakapansin sa viral na larawan ng magkasintahan kung saan makikitang kasama ni Catherine si Jefrey.

Photo credit: GMA Public Affairs

Ayon sa naging pagkukwento ni Jefrey, nakapagtapos na ng 2-year-course ang kaniyang nobya ngunit talaganga nahirapan siyang makahanap ng trabaho kung kaya naman kahit isa rin siyang breadwinner ay talagang pinagsumikapan niyang matulungan at masuportahan ang kaniyang kasintahan. Suportado din naman ang mga magulang ni Jefrey sa kaniyang naging desisyon.

Photo credit: GMA Public Affairs

Sa ngayon ay unti-unti nang nagbubunga ang kanilang pagpapagal noon dahil sa kasalukuyan nang nagtetraining ngayon si Catherine upang maging isang “application developer” sa isang kompanya. Nais niyang masuklian ang lahat ng pagsasakrispisyong ginawa sa kaniya ng kaniyang pinakamamahal na nobyo.

Tunay nga na hindi lamang ang pangarap ni Catherine na makapagtapos ng kolehiyo ang natupad kundi maging ang pangarap ni Jefrey na matulungan ang nobya sa pag-abot nito ng kaniyang mga pangarap. Tunay nga na hindi matutumbasan ang pagmamahal at pagmamalasakit nilang dalawa sa isa’t-isa.

Maaaring hindi naging madali ang kanilang mga pinagdaanang pagsubok ngunit sa ngayon ay talagang mamamangha ka dahil sa nagtutulungan pa rin silang mag-abot ang pangarap ng bawat isa.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media