Connect with us

Viral

Raffy Tulfo naghanda ng isang napakagandang sorpresa para sa kaniyang misis dahil sa nakalimutan nitong magbigay ng regalo para sa kaniyang kaarawan!

Avatar

Published

on

Hinding-hindi makakalimutan ng maraming mga Pilipino ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso kahit pa nga hindi pa rin natutuldukan ang problema natin sa pandemya. Hindi nito napigilang maghanda at mamili ng mga bulaklak ang publiko.

Maliban sa mga bulaklak ay patok na patok din ang mga tsokolate at cake. Kung anu-anong klaseng “bouquet” rin ang naglabasan sa mga tindahan at maging sa ilang mga “online stores”. Naging usap-usapan kamakailan lamang ang viral video na ito ni Raffy Tulfo kung saan itinampok niya ang naging pagdiriwang nila ng “Valentine’s Day”.

Kasama ang kaniyang buong pamilya ay masaya silang nagdiwang. Naibahagi din ng batikang mamamahayag ang naging kasalanan niya sa kaniyang misis na si Jocelyn Tulfo.

Dahil sa pagiging abala niya masyado sa kaniyang trabaho ay naging makakalimutin na siya at nakalimutan na rin niyang bigyan ng regalo ang kaniyang asawa nang magdiwang ito ng kaniyang kaarawan noong ika-5 araw ng Pebrero. Bilang pagbawi ay naghanda ng isang napakagandang sorpresa si Idol Raffy Tulfo kung saan pinalagyan niya ng napakadaming mga bulaklak ang isang bahagi ng kanilang tahanan.

Sa gitna nito ay mayroong isang napakalaking hugis puso na punong-puno ng mga rosas. Nilinaw din naman niyang napatawad na siya ng kaniyang asawa dahil sa kaniyang nagawa at naiintindihan naman niyang abalang-abala lang talaga ito sa kaniyang trabaho.

“Noong birthday niya, February 5, wala po akong naibigay na regalo sa kanya kahit man lang bulaklak. Medyo nag-tampo, napatawad na niya ako, kaya ngayon bayad utang.” Pahayag ni Raffy.

“Naintindihan naman niya eh dahil sa sobrang busy ko, yung schedule ko very tight, nagiging malilimutin na ako lately. Kahit wala akong mai-regalo sa kanya, tutal, lahat ng sweldo ko naman binibigay ko sa kanya. Pero it doesn’t mean na dapat makalimutan ko na siya, no excuses dapat,” dagdag pa niya.

Pinaalalahanan niya ang publiko na hindi dapat maging dahilan ang pagiging abala sa trabaho upang makalimot sa mga bagay na mas mahalaga pa rito, ang pamilya. Hindi maikakaila na marami ang humahanga sa kanila, hindi lamang dahil sa pagiging matagumpay nila sa buhay kundi maging sa pagiging mabuti nila sa ibang tao, kadugo man nila o hindi.

Source: Youtube 


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media