Connect with us

Viral

“Mother goose” namataang sunog ang pakpak dahil sa pagnanais nitong iligtas ang kaniyang mga itlog na hindi pa napipisa!

Avatar

Published

on

Tila natural na lamang sa mga magulang na magsakripisyo para sa kanilang mga anak. Mula sa pagdadalang-tao, panganganak hanggang sa pagpapalaki ay talaga namang napakalaking hamon nito.

Ngunit maniniwala ba kayong hindi lamang tayong mga tao ang may “motherly instinct”. Maging ang mga hayop kasi ay mayroon din. Halimbawa na lamang ang isang “mother goose” o gansa na ito.

Natagpuan na lamang siyang nakaupo sa isang lugar ng “wildlife expert” mula sa Canada na si Tim White. Tumutulong siyang maapula ang sunog sa isang ugali at nang matapos ito ay nagulat na lamang silang makita ang kawawang gansa na tiyak na masusunog ang buong katawan kung hindi naapula ang nagngangalit na apoy.


Noong una ay talagang labis ang pagtatangka ni Tim kung bakit nanatili lamang ito sa kaniyang pwesto at talagang hindi na umalis. Ngunit nang makita niyang mayroon pala itong pinoprotekhang mga itlog ay talagang nahabag siya sa sinapit ng kawawang gansa.

Kahit kasi sinubukan niyang iligtas ang kaniyang mga itlog ay talagang wala nang pag-asa ang mga ito na mapisa pa. Labis kasing nasunog ang lugar kung saan naroroon ang mga itlog at ang ina nilang gansa kung kaya naman ang nagawa na lamang ng inang gansa ay ang hindi iwanan ang kaniyang mga itlog.


Bagamat nakakalungkot ang pangyayari na ito ay sinikap pa rin ng mga kinauukulan na mailigtas ang inang gansa mula sa tiyak na kapahamakan. Ginamot nila ang mga sugat at sunog nito sa katawan at kinupkop nila hanggang sa tuluyan nang bumalik ang kaniyang sigla at lakas.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang iresponsableng taong sumunog sa lugar. Sana man lamang ay naisip nitong hindi lamang tao ang kaniyang mapeperwisyo sa kaniyang masamang ginawa kundi maging ang mga inosenteng hayop lalong lalo na ang gansang ito at ang kaniyang mga itlog.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media