Connect with us

Viral

Isang 6 na taong gulang na “Dwarf girl”, inampon ng isang mag-asawa na kalaunan ay pinagtangkaan niya ang buhay kahit pa nga tinuring siyang tunay na anak ng mga ito!

Published

on

Noong 2010, 45 taong gulang pa lamang si Kristine ay napagdesisyon nila ng dati niyang asawa na si Michael Barnett na ampunin si Natalia na mula sa Ukraine. Siya ay mayroong sakit na “Dwarfism” at hirap maglakad.

Sa kabila nito ay hindi na naawat pa ang mag-asawang ampunin ang munting anghel na ito. Ngunit ilang taon lamang ang nakalipas ay napabalitang inabandona na lamang ng mag-asawa ang batang ito sa kanilang apartment.

Iniwanan nilang mag-isa si Natalia dahil sa siya pala ay hindi talaga bata ngunit isang dalagang nagpapanggap na isang maliit at inosenteng bata. Tila ba hango ito sa isang “horror movie story” na pinamagatang “Orphan” kung saan nag-ampon din ang isang mag-asawa ng batang babae.


Maliban kay Natalia ay inampon din nila si Jake na mayroong “Autism”. Kasama ang iba pa nilang mga anak ay lumipad patungong Canada ang pamilya para doon na sila manirahan at iniwanan na nga nila si Natalia nang mag-isa.

Bago pa man umalis ang mag-asawa ay agad na nilang ipinaayos ang legal na edad niya mula sa 11 taong gulang ay inilagay nila ang tunay niyang edad na 22-anyos sa Indiana probate court. Makalipas ang ilan pang mga taon, Setyembre 11, 2019 ay kinasuhan ang mag-asawa dahil sa pag-aabandona nila sa kanilang anak na si Natalia.

Ayon naman sa naging paliwanag ni Kristine, naloko sila sa naging “adoption process” nila kay Natalia dahil sa isa palang “psychopath” ang babae na ito. Nagpakita rin ng mga ebidensiya si Kristine mula sa naging pagsusuri sa kaniya ang isang doktor dahil sa hindi wasto ang petsa ng kapanganakan ni Natalia sa kaniyang “birth certificate”, mayroon na din siyang “adult teeth” at nakaranas na ng “puberty”.

Ang dokumento din na ito ay nagpapatunay na higit sa 18 taong gulang na si Natalia at na-admit din siya noong 2012 sa isang “Psychiatric hospital” kung saan siya na-diagnose siya na mayroong “sociophatic personality disorder.

Source: Dailymail


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media