Connect with us

Viral

Isang parking lot ginawang komportableng tulugan para sa mga taong walang masisilungan at mapaglilipasan ng gabi!

Avatar

Published

on

Talaga namang kinabiliban ng publiko ang isang Australian charity na “Beddown” dahil sa ginawa nilang komportableng tulugan ang isang parking lot para sa kanilang mga kababayan na natutulog lamang noon sa lansangan kahit pa nga sobrang maginaw at napakalamig ng temperatura. Ayon sa kanilang naging pahayag ay naging mahirap para sa kanila ang makahanap ng lugar kung saan nila magagawang patulugin ang mga taong nangangailangan ng maayos at komportableng masisilungan kahit tuwing gabi lamang.

Dito nila nadiskubre na madalas palang walang laman ang mga “parking lot” sa mga “shopping malls” lalo na kapag gabi. Kung kaya naman naisipan ng founder ng “Beddown” na si Norman McGillivray na gawing ligtas na masisilungan o ligtas na tulugan ang ilang mga parking lot na ito.

Nakipagkasundo ang organisasyon sa pinakamalaking “car operator” sa Australia na “Secure Parking” upang magkaroon ng dalawang linggong “trial” sa Brisbane. Maliban sa nakapaganda at napakakomportableng higaan na mayroon pang mga unan at kumot ay mayroon ding mga serbisyo para sa mga “homeless people” ang charity organization na ito dahil sa mayroon din silang mga doktor, nars, dentist, at kahit pa nga mga “hairdresser”.


Mayroon ding nakahanda na bagong mga damit para sa kanila ay lugar kung saan maaari silang makaligo at makapaglinis ng kanilang katawan.

“We will look to get as close as we can to a proper comfortable bed to provide the homeless with a great night’s sleep is our ultimate goal,” Pahayag ng Beddown sa kanilang Instagram account.

“Sleep deprivation is a massive issue for our homeless, so being in a place that offers shelter and is safe, secure and comfortable we believe will have a big impact on those who use Beddown.” Dagdag pa nila.

Talaga namang nakakamangha ang ganitong klase ng pag-aasikaso at pag-aalaga sa mga taong kapus-palad. Kung kaya naman tiyak na mas marami pa ang tatangkilik sa adbokasiya nilang ito. Mag-uumapaw din ang mga biyaya at pagpapalang kanilang matatanggap dahil sa kanilang pagmamalasakit sa kanilang kapwa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media