Connect with us

Viral

Isang napakagandang fox na umiiyak mag-isa ang nailigtas at naibalik muli sa piling ng kaniyang ina!

Published

on

Sa dinami-rami ng mga balita na naririnig natin sa araw-araw, nakakatuwa pa ring makarinig o makapanuod ng magagandang balita tulad na lamang ng balitang ito. Ayon sa mga nauna nang ulat patungko dito, ang isa sa mga residente sa lugar ay nakarinig ng kakaibang ingay na nagmumula sa kaniyang hardin.

Saka na lamang nila napagtanto na isang fox pala iyon na tila umiiyak at tinatawag ang kaniyang ina. Agad na tinawagan ng ilang concerned citizen ang “Animal Welfare League of Arlington” sa Virginia upang matulungan ang kawawang fox.

Nang magtagpuan nila ito ay talagang “alert”, “hydrated”, at may malaking tiyan ito. Hindi nagtagal at inilagay na rin nila sa isang basket ang baby fox. Isang lalagyan kung saan mahihirapan itong umakyat at saka maligaw.

Mabisa naman ang basket na kanilang ibinagay dahil magiging madali na lamang ang ina na kuhanin ang kaniyang anak. Hindi nila pinabayaan ang baby fox at talagang sinubaybayan nila kung magtatagpo ngang muli ang mag-inang fox.

“The homeowner kept an eye on him the rest of the day, and we are happy to report that by the next morning, the mother had safely retrieved her baby!” komento nila.

Tunay nga na marami ding mga netizens ang nakapansin kung gaano ka-cute o kaganda ang naturang baby fox. Noon pa man madalas na nating marinig ang mga malilit at malalaking mga hayop na ito.


Karamihan sa kanila ay naililigtas at natutulong ng mga pribado at pampublikong organisasyon ngunit mayroon pa rin namang mga hayop na hindi nakakaligtas sa mga walang habas na pagkitil sa kanila ng ibang mga tao para lamang mapagkakitaan. Nakakalungkot mang isipin ngunit ito ang reyalidad ngayon hindi pa kasama riyan ang “climate change”, “global warming”, at iba pang mga sitwasyon na maaari pa nating pagdaanan sa paglipas ng panahon.

Kung kaya naman sana ay mas marami pang tumulong at magligtas sa mga kawawang hayop na ito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.