Connect with us

Viral

Isang itik ang tumakbo at nakatapos sa “The NYC Marathon” na may suot pang running shoes!

Published

on

Noong nakaraang taon, ikinatuwa ng mga dumalo sa “New York City Marathon” ang makakita ng bihira at kakaibang kalahok. Isa kasi sa mga ito ay isang itik na mayroon pang suot suot na running shoes!

Ito ang pinakamalaking marathon sa buong mundo dahil mayroon itong mahigit sa 50,000 na mga “finishers” sa loob ng isang taon. Ngunit dahil sa pandemya ay bumaba ito ng 33,000 na lamang noong nakaraang taon.

Ngunit nitong nakaraang taon ay sumali sa marathon si Wrinkle na isang “emotional support duck”. Ayon naman sa mga nagmamay-ari kay Wrinkle na sina New York artists Justin Wood at Joyce Kung ay higit pa siya sa isang Pekin duck.

“Wrinkle the duck is more than just a beautiful Pekin duck. She is a full-grown adult human child. She is fast. She is speed. She is zoom. She is Wrinkle. Still fast as duck boiiii.” Pahayag nila.

“I ran the NY marathon! I’ll get even better next year! Thanks to all the humans that were cheering for me!” Ito naman ang pahayag ni Wrinkle sa kaniyang Instagram account.

Mapapanuod sa 2.5 minute video kung paanong nagsimula at natapos ni Wrinkle ang karera kasama ang ilan pang mga kalahok. Talaga namang marami din ang nagchi-cheer sa kaniya nang mga oras na iyon.

Napakaraming mga kamera ang hindi magkamayaw sa pagkuha ng kaniyang mga litrato. Marami ding nakapansin sa sapatos ni Wrinkle at ayon naman sa naging pahayag nina Wood at Kung ay gawa ito sa “scuba-gear-like”, “waterproof”, at “soft material”.

“Everyone’s asking about the shoes. So we’re looking into trying to mass produce them and put them out there.” Komento ng dalawa.

Mula noon ay mas dumami pa ang mga larawan at videos ni Wrinkle online. Umani ito ng milyong-milyong views mula sa mga netizens. Hindi lamang sa Instagram, TikTok, YouTube, kundi maging sa Facebook rin.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.