Connect with us

Viral

Isang rescued lion, pagyakap lamang ang kabayarang ibinibigay sa taong nag-aalaga sa kaniya!

Published

on

Ang pagkakaibigan ay isa sa mga biyayang dapat nating ipagpasalamat sa Diyos. Hindi naman kasi lahat tayo ay nakakaranas magkaroon ng tunay at totoong mga kaibigan.

Tunay na kaibigan na hindi magiging mapagsamantala sa iyo bagkus ay talagang susuporta at magmamahal sa iyo, magkadugo man kayo o hindi. Wala sa magkaibang lengguwahe, kultura, o lahi ang pagkakaibigan.

Tulad na lamang halimbawa ng wildlife enthusiast na si Valentin Gruener. Ang kaniyang matalik na kaibigan kasi ay hindi isang tao kundi isang hayop.


Siya ay walang iba kundi si Sirga, the Lion, siya ang itinuturing na “best buddy” ni Valentin. Sa tuwing magkikita ang dalawa ay talagang nagyayakapan sila.

Minsan pa nga at nakuhanan sila ng video habang magkayakap at pinost ito online na agad din namang kumalat. Pinusuan ito ng maraming mga netizens at umani rin ng sari-saring komento.

Naniniwala si Valentin na si Sirga ang pinakamabait na leon sa buong mundo para sa kaniya.

“She is always gentle and friendly despite her size. But I am the only one interacting with her. It would be dangerous for people who she is not used to.” Pahayag ni Valentin.

Ibinahagi rin ni Val ang naging unang pagkikita nila ni Sirga. Sampung taon na raw ang nakakaraan nang magkita sila ni Sirga, hindi na ito pinapakain pa ng kaniyang ina.

Kung kaya naman si Valentin na mismo ang nag-alaga at nagpalaki rito.

“Sirga the lioness was born on February 25, 2022, to wild lions captured after being identified as” problem animals” in livestock areas who were held and cared for at the property of Grassland Bushman Lodge grounds.”

Mula noon ay naging mas malapit na sila sa isa’t-isa. Dahil dito ay nakasanayan na rin ni Sirga ang yakapin si Valentin sa tuwing magkikita sila.

Tunay ngang kakaiba at pambihira ang kanilang pagkakaibigan, hindi ba?



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.