Connect with us

Viral

Isang pit bull na na-rescue noon, hindi na mapigilan ang pagkawag ng kaniyang buntot dahil sa wakas ay mayroon na ring nag-ampon sa kaniya!

Published

on

Hindi naging madali ang buhay para sa pit bull na ito. Tulad ng nakararami sa atin, marami na rin siyang naranasan na hindi maganda ngunit sa kabutihang palad ay nabago na rin ang kaniyang buhay at ngayon nga ay mayroon na siyang bagong pamilya.


Nang mga panahon raw na dinala ang pitbull na si Matilda sa Douglas County Animal Shelter, mayroon itong malubhang karamdaman. Ngunit sa kabila nito ay talagang kapansin-pansin pa rin ang kakaibang sigla nito.

Hindi niya rin mapigilan ang kaniyang sarili na iwagayway ang kaniyang buntot marahil ay dahil sa labis na kaligayahan. Nagbahagi naman si Santina Sanders, isang volunteer sa Douglas County Animal Shelter ng video kung saan mapapanuod si Matilda.


“She gave the sweetest kisses. She was the cutest thing ever.” Komento ni Sanders.

Ngunit hindi lamang pala siya ang napahanga ni Matilda dahil maging ang rescue group na Pibbles and More Animal Rescue ay napamahal na rin sa kaniya. Ayon kay Teresa Bowles-Chiofalo, isa sa kanilang mga coordinators na ninais din talaga nilang dalhin si Matilda sa isang foster home.


Hindi nagtagal at nadala na nga rito si Matilda kung saan labis din siyang minahal ng mga tao roon. Isa na sa kanila si Kerrie Rich.

“She wags her tail so hard that she walks crooked.” Komento ni Rich.

Kahit pa siya na ang pinakamasayahing tuta na nakilala nila, mayroon pa rin palang kinaiinisan si Matilda, at iyon ay ang kaniyang collar! Nang minsang suotan nila si Matilda ng dog collar ay huminto ito sa pagkakawag ng kaniyang buntot sa kauna-unahang pagkakataon.

Natuklasan ng kaniyang foster family na hindi pa pala naghihilom ang kaniyang balat mula sa dati niyang kondisyon. Maliban dito ay wala na siyang ibang inaayawan pa.


Mahilig si Matilda sa pagtulog, pakikipaglaro sa mga kapwa niya tuta, at pagtulong sa kaniyang “human foster brother” sa mga aralin nito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.