Connect with us

Viral

Isang nanay na aso ang hindi natinag sa nagngangalit na apoy at iniligtas ang lahat ng kaniyang mga tuta!

Published

on

Namangha ang publiko sa ginawa ng asong ito na nakilala sa pangalang Amanda. Hindi kasi ito natakot o nagdalawang-isip na iligtas ang kaniyang mga tuta sa kabila ng nagngangalit na apoy.


Sampung araw pa lamang ang nakakalipas nang manganak ito. Kahit nagbabawi pa lamang siya ng lakas ng mga oras na iyon ay talagang sinikap niyang kuhanin ang lahat ng kaniyang mga tuta at siguraduhin ang kanilang kaligtasan.


Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Chile at ito ang naging dahilan upang hindi agad makalabas ang asong si Amanda at ang kaniyang mga kapapanganak pa lamang na mga tuta. Hindi na umasa pa sa iba ang asong si Amanda at talagang inilabas na niya isa isa ang kaniyang mga anak mula sa nasusunog nilang bahay.

Makailang-ulit din siyang nagpabalik-balik mula sa kanilang bahay at sa sasakyan ng mga bombero kung saan doon niya muna iniiwanan ang kaniyang mga anak. Nang nailabas na niya lahat ng kaniyang tuta ay agad din naman niyang tinabihan ang mga ito at prinotektahan.


Isa sa mga anak nito ang nagtamo ng malalang sunog sa katawan habang ang apat naman sa mga ito ay nasa maayos na kalagayan ayon na rin sa doktor. Ayon naman sa doktor na nagsuri sa kanila, si Dra. Felipe Lara, maging sa kanila ay grabe ang pagprotekta ng nanay sa kaniyang mga tuta.

Kalaunan ay hinayaan din naman nitong masuri ang kaniyang mga anak ngunit dahil nga namatay ang isa sa mga ito dahil sa pinsalang natamo nito kung kaya mas naging matindi ang pagprotekta nito sa mga natirang anak niya.

Tunay nga na nakakamangha ang pagmamahal ng aso na ito sa kaniyang mga anak. Hindi man natin sila katulad na nakapagsasalita upang ipabatid ang tunay nating nararamdaman, makikita pa rin naman sa kanilang mga gawa ang tunay at totoong nadarama.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.